"Grabe kana talaga Sav."
Kunot noong tinapunan ng tingin si Gabrielle. "What?"
He pressed his lips together and lean at the table. "Dati tanaw lang kita dito pag tuwing lunch, ngayon kasabay na kita! Oh diba, grabe ka talaga!" Tuwang tuwa na utas
Umismid ako, pasimpleng tinanaw ang dating lamesa na inuupuan ko. Nandoon si Ally, kasama ang mga apat na pina guidance, 'yung nakaaway ko kaninang umaga.
She's really crazy over him huh? No wonder.
But, where is he?
I startled when Lawson's face popped out really close to mine. Muntikan pa akong matumba sa kinauupuan pero agad naman akong nasalo ng braso niya.
"Huwag mo na pahirapan sarili mo kakalingon do'n," He said and finally sat beside me. "Nandito na ako, titigan mo'ko hangga't gusto mo."
Si Gabrielle na ang nag-react para sakin. "Mas makapal kapa sa libro namin sa major ha?"
Napairap ako at minabuting hindi nakaharap sa kanya. "Just don't mind him, cookery students doesn't allow to talk to STEM students." I remarked
Sumangyon naman si Gabrielle sakin. "Tama! Mapanakit mga cookery!" Para itong may pinaghuhugutan
Naramdaman ko ang pagurong pa nito sa akin. "Savannah, may problema ba? Kanina mo pa ako sinusungitan."
Hindi ako umimik.
"Hoy ikaw," maangas na utas ni Lawson, sa tingin ko si Gabrielle ang tinutukoy niya. "Order ka muna pagkain, usap lang kami."
Nagmamatigas na umiling si Gabrielle. "Hindi nga kita kilala, si Sav lang puwede magutos sakin."
Lawson tsked. "Utusan mo nga, Savannah." Bulong naman nito sakin
I groaned and push him away from me. "Kung gusto mo ikaw ang bumili."
Hindi agad nakasagot 'to sakin, saglit lang ay tumayo na 'to. "Si Savannah lang oorderan ko ha! Magorder ka magisa!" Nagmartsa na ito papunta sa counter
Hindi makapaniwalang napasinghap si Gabrielle, sinundan tingin pa niya, nagbalik tingin siya sakin. "Sino ba 'yon? Boyfriend mo ba?" Usisa niya
Mabilis na pagiling ang ginawa ko. "Kaibigan ko lang." Halos pabulong na sagot ko
Mukha bang boyfriend ko 'yon? Mas mukha pang in relationship silang dalawa ni Ally eh.
Pinanliitan niya ako ng mata, tila nagdududa sa sagot ko. "Kaibigan? Eh bakit para kang nagseselos na girlfriend kanina?"
Kung may tubig lang ako iniinom tiyak na nabulunan na ako. Pinanlakihan ko siya ng mata at nilapat ang daliri sa labi ko. "Shut up ka nga!" Iritableng suway ko. "Bakit naman ako magseselos? Sila naman ang magkakilala noon pa man, ako bagong dating lang."
Napamaang siya. "Huh?" Napakamot ito sa pisngi niya at biglang pumitik ng daliri na para bang nagets niya. "Aha! Nahuli ka din sa sarili mong bibig, Sav! Nagseselos ka nga, kanino ka nagseselos?" He even lean on the table, seems excited to know who is it.
Tinulak ko siya palayo gamit ang isang kamay. "I'm not nagseselos romantically if you're thinking that way." Pasimpleng bumaling sa counter, nandoon pa din siya nakapila. "I just don't want him to be with that girl, I really don't like her from the first place, and then Lawson came in. It's really hard to understand but Lawson is the guy who helped me when I needed someone to hold on, someone makes me happy, someone who make me realize, I just want to keep him and don't let anyone touch him either got his attention. Pakiramdam ko, pagkatapos ng pagpapagaan ng loob ko, iiwanan na niya ako. Especially, they were childhood friends and me? We're just knew each other last week." I bitterly said as I sighed.
YOU ARE READING
Psycho Series #1: Chasing His Obsession
RomanceON-GOING | R 18+ | PSYCHO SERIES 1 Lawson Thane Veranda is an indeed weird nerd guy for Savannah. At first, she's been both irritate and annoyed on him for being feeling close to her but inside her, she liking it. Savannah Escobar is a top student...
