Chapter 6

29 4 0
                                    



"...naalala ko pa 'yon! Imbis na tulungan mo ako tumayo sa pagkakadapa, tiningnan mo lang ako na para bang ang dumi ko sayo."

Mas lalo akong bumusangot no'ng pagkatapos magkuwento ni Ally ay sinundan niya ng tawa may kasama pang malanding paghampas sa braso ni Lawson.

Bumaling ako kay Lawson, inaabangan ang bawat sasabihin niya o kaya naman reaksyon. Ewan ko ba, once na nakatingin na ako sa kanya hindi ko na maalis, hindi ko malaman kung nalilibang ako sa bawat sinasabi o reaksyon niya o sadyang bago lang sakin na may kasamang lalaki.

Hindi pa ako nagkakaibigan na lalaki, kaya siguro ako ganto sa kanya. Para akong sabik sa kaibigan na lalaki, nobyo lang kasi ang meron ako noon, 'yon na nga lang meron ako minalas pa.

"Eh paano kita tutulungan kung sumubsob ka sa putik no'ng panahon 'yon, ayoko madumihan." Sinabayan niya ang pagtawa ni Ally pero hindi kasing saya.

Hinampas niya ulit sa braso si Lawson. "Grabe ka naman! Puwede ka namang maligo pagkatapos no'n, napaka ungentleman mo!"

He scoffs. "Kakaligo ko lang no'n!"

Sumandal ako sa kinauupuan, para talaga akong third wheel sa dalawang 'to. Hindi ako umangal no'ng nauna si Ally sa front seat, gusto ko lang din naman sumama sa kanila. Actually kotse ni Ally 'to pero si Lawson ang pinag-drive niya, hay nako napaka-arte.

I'm busy mimicking  Ally's gesture to Lawson when sudden he gaze at the mirror, our eyes met.

I almost choke when a smirk  form at his lips. I rolled my eyes at him and push myself at the side of backseat door, avoiding him of course.

Sana pala dinala ko man lang 'yong phone ko.

...

Pagkaparada ng kotse sa tapat ng bahay nila Lawson ay hindi na ako nagantay na buksan niya 'yon para sakin, kahit si Ally hindi niya pinagbuksan kaya okay lang sakin.

Hindi na kami inantay ni Lawson basta lamang ito pumasok ng bahay nila. Kagat labing pinigilan ang pagtawa nang makita ang paglukot ng mukha ni Ally sa inaasta ng kaibigan o sabihin na nating gusto niya, halata naman.

"Bakit ganyan mukha mo?" Mapangasar na tanong ko dito. Sinabayan ko ito sa paglalakad kaya naramdaman ko ang pagtingin niya sakin at muling nagbalik tingin sa unahan. "Ikaw na rin ang nagsabi na ungentleman siya, kaya bakit ang sama ng loob mo?" Sabay baling dito

Hindi niya ako tinapunan nang katiting na tingin, pero ramdam ko ang pagkairita niya sa tanong ko. "Hindi masama loob ko, medyo masama lang pakiramdam ko."

Magdadahilan na nga lang ang waley pa.

"Masama pala pakiramdam pero nandito siya." I whispered as I walked faster than her

I heard her calling me but i didn't bother to wait for her. I opened the door and immediately roamed my eyes, searching for Lawson. Pero imbis Lawson ang makita ko ang isa sa roommate niya ang nakita ko.

Halos sabay kaming nagulat sa isa't isa.

"Puta! Bakit nandito ka nanaman?!" Namumulang tanong nito at pilit tinatakpan ang pangitaas na katawan.

He's only wearing boxer, hindi ko naman siya masisisi bahay nila 'to.

Tinarayan ko siya. "Pake mo ba? Hindi naman ikaw ang pakay ko dito, nasaan na si Lawson?"

He scoffed. "He only saved your life back there, and now you're head over heels for him now? Babae nga naman."

I got annoyed easily. "I am not!" I snapped. "Umalis ka nga sa harapan ko, baka masipa ko 'yang balls mo." Inirapan ko siya at tyaka naglakad paakyat sa ikalawang palapag nila.

Psycho Series #1: Chasing His ObsessionWhere stories live. Discover now