Ako nga pla si Xeni Linnea, fourth year highschool student. Secretary at Top 3 sa klase at masaya na ako dun. ^_^
Madaming kaibigan, may boy and girl bestfriend na weirdo tulad ko. Mayroon din namang nanliligaw at tulad ng karaniwang estudyante may crush din ako.
Ang pangalan niya ay Liam.
Simula pa first year crush ko na siya. Katabi ko kasi siya sa klase every time na alphabetical ang seating arrangement. Sa iba medyo masungit at suplado siya, ay mali, dahil talagang suplado at masungit siya sa kahit sinong makilala at makausap niya.
Pero sa maniwala kayo at sa hindi, isa 'yun sa mga naging dahilan kaya nakuha niya ang atensyon ko. Medyo abnormal lang no?
Ewan ko nga ba pero at the end of the day crush ko talaga siya eh. >3<
Hindi siya gaanong nagsasalita sa klase lalo na sa mga babae. Gwapo, tahimik, magaling sa Math at top 4. Oo, magkasunod kami sa ranking kaya medyo kilig na din ang pagiging top 3. <3 Madami kaming may gusto sa kanya pero may advantage ako kasi katabi ko siya. Mwahaha.
Kaya lang katabi ko nga siya, hindi ko naman siya nakakausap kaya hindi ko rin masabi kung may epekto ba talaga ang pagiging magkatabi namin sa halos apat na taon. T_T
Kung mag-uusap man kami 'yung mga tipong 'anong assignment?', 'kailan ang pasahan ng project' minsan naman humihingi siya ng papel. Aisshh. 'Yung mga tanong na walang future. Gets niyo? TT_TT
Sad, I know.
Fourth year na kami pero waley pa din! Haayyy. Buhay pag-ibig nga naman. Piling ko nga hindi nya ako napapansin kahit magkatabi kami. Ang saklap naman kung ganun. </3
Kailangan ko na bang magpalit ng crush??
Or maybe the right question is..
Kaya ko na bang palitan si crush?
"Best, uy nakatingin sayo si crush mo oh!!"- sambit ni Monette, ang dakilang best friend ko. Mas matangkad siya sa akin ng two inches at may pagka-chinita. Siya ang girl bestfriend ko na nakilala ko noong first year din.
"Ha?? Asan?" tingin sa kaliwa at kanan hanggang sa maikot ng mata ko ang apat na sulok ng canteen.
"Joke lang, HAHA. Kakaalis lang nila. Kanina ka pa kasi diyan nakatulala at malayo ang tingin kaya baka kailangan mo ng pang-gising. "- panloloko niya at muling uminom ng softdrink na kabubukas niya lang. >_>
"Aissh, ganun ba."Nainis ako sa sinabi niya ng konti pero hindi ko dapat ipahalata kasi mas lalo niya lang ako aasarain. "Hm. Iniisip ko kasi kung anong gagawin natin mamaya sa sunod nating klase."pagpapalusot ko. >_<
"Ngek. Later mo na 'yan isipin at kumain ka muna. Eto talaga!"- sagot niya.
Bigla akong nalungkot dahil umalis na sila ng cafeteria. Hindi ko man lang nakita at higit sa lahat, muli na naman akong umasa. Hays.
* * *
"Class, I am glad to inform you that you can start preparing for the most awaited event before the school year ends. You'll be equally divided into two groups and each group will need to make a script with a theme of "Secretly in love". This would be the contribution of the fourth year students in our foundation week this February. However the date is still tentative and I'll update the class about the complete details after the teacher's meeting this coming Friday. As usual, the program will start at noon together with the other sections. Don't worry too much, class. What you're about to do is part of the one-week celebration and in exchange there are incentives in your grade at the same time would be part of your class participation in this subject. Moreover if the class will be voted as the "Play for Today", I might give bonus points in the final exam. Lower year would be your audiences so it would be fun." isang mahabang litanya ni Mrs. Aira, our English teacher na nakapagpanga-nga sa akin.
Isa lang ang tumatak sa akin sa mga sinabi niya at saglit na nakapagpatingin sa akin sa katabi kong suplado.
Secretly in love ba kamo? 'Yung totoo? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? T_T
Teka. Ano bang meron at may ganyang activity? Wala na akong naintindihan sa sinabi ni Mrs. Aira. Aissh, kung sinu-sino kasi ang nasa isip mo Xeni. >_<
"Uy Monita! Ano bang meron? Bakit may ganyang activity?" kalapit ko lang din kasi si Monette. :D
"Seriously Xe? Hindi mo alam? Kasasabi lang ah." mahinang sagot sa akin ni Monette habang nagpapatuloy si Mrs. Aira sa discussion.
Sisihin mo 'yung katabi kong suplado. Hmp. >3<
"Sensya naman. Hehe. Ano nga ulit ang mga mangyayari? Ang ugat ng lahat ng ito?"Lols.
"Ano ka ba? Nasan na ba ang kalendaryo mo? Ateng, malapit na po ang Valentines day! "
Aaaahhh.
Malapit na nga palang mag-February..
Kaya malapit na din ang Foundation Week.
At dahil second week ang foundation week, kasabay nito ang Valentines day.
T_T
Palibhasa wala akong ka-Valentine kaya wala akong pake sa mga ganyang date. Hmp. Bitter lang?
Buti pa 'tong si Monette meron, si Ivan na katropa ni Liam. Thanks to him and Monette at mayroon ako kahit katiting na koneksyon kay Liam. Kyaah!! <3
"Since there are 40 students, you'll be divided into two, alphabetically. Twenty per group. Choose a leader and a secretary and give me the list of the members by tomorrow. Hopefully each group could provide me at least a draft of the script by the end of the week. And please be reminded of our policies regarding plagiarism. Did you get me?- Mrs. Aira
A-L-P-H-A-B-E-T-I-C-A-L-L-Y
"Yes, mam."- tugon ng buong klase.
Ka-group ko si crush! Wieee. Haha.
Kinikilig na agad wala pa ngang nangyayari?? Waha.
'RIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGG!
Yes, nagbell na!! :)))
Pagkalabas ni Mrs. Aira nagpunta sa unahan ang vice president namin na si Tiffany at kagroup namin siya. Maganda, talented, matalino at creative ('yun yung bagay na wala ko T_T) at asset namin siya sa activity na 'to. She's also a good leader and ranks 2nd in the class.
"Guys, gusto niyo bang mag-meet after class about sa play?"-Tiffany asked while looking at us.
"Ayos lang, basta ikaw bahala sa script."- pabirong tugon ni Rafael in short Raffy kay Tiffany. Magaling kasi si Tiffany sa mga ganitong bagay at palagi rin siyang nanalo sa mga essay writing contest at published din sa school paper namin ang mga literary works.
"Fine pero kailangan ko din namang marinig ang mga opinyon niyo bago ako gumawa di ba? As a group, share your ideas. And it would be better kung mag-brainstorming muna tayo. "She said in a cute yet serious tone.
She has a point. *nod
"Sige, after class na lang sa student park?"- Ako, eksena lang. Hehe.
"Okay, doon na lang. Wala daw si Ms.Mendoza kaya early dismissal tayo so diretso na lang tayo dun agad. Ayos lang ba sa inyo?"- may tonong tanong ni Tiffany sa amin. Ngayon pa lang, kita niyo na ang kanyang leadership skills.
"Oo" "Sure" "KK" - pagsang-ayon ng lahat. Pero ang pinka-narinig ko ay ang ang sagot ni crush ng isang malamig na... "Fine."
<3
Napangiti ako ng labis.
Excited na ako para sa mamaya.
Author: Sana po magustuhan niyo! Vote and comments po! :))
PS. Paunawa. Sorry sa typo. Di pa po ako tapos magrevise. Tenchu!! :)
"So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand." Isaiah 41:10
BINABASA MO ANG
Butterflies in my stomach (Completed)
RomanceKilalanin si Xeni Linnea, ang babaeng nagka-crush..nagkagusto at umibig sa katabi niyang suplado.