"Jesus Christ is the same yesterday and today and forever." Hebrews 13:8
Xeni's POV
"Liam gusto mo ba?" inalok ko na si Liam ng tuluyan. Tumingin muna siya sa ice cream na hawak ko sunod sakin. *gulp
Hanggang sa kumuha siya ng kutsara at lumapit sakin. Paglapit niya parang gusto ko namang umatras kaya lang wala na akong maaattrasan. >\\\<
Kalma lang Xeni!
Kumuha na siya ng ice cream at nagpatuloy sa panunuod. Akala ko tatanggihan niya. Simpleng ice cream lang pero kakaibang kaba ang naramdaman ko. Waaah.
Ang hirap kapag katabi mo ang crush mo.
>\\\>
Magkatabi na kami ngayon at prehas kaming kumakain ng ice cream.
Ang sweet naman.
..ng ice cream!! Yiee. Haha.
"Waaahh!!"- muling irit ni Ate Beth.
O_O nakakatakot nga ang scene na yun! Stress! Ermm.
Hanggang sa natapos na ang movie. Ang cute ng istorya. Kakakilig din. >//< Chilling Romance so romance talaga. Yan napaisip tuloy ako kay Liam. <3
Mabilis tumakbo ang oras. Nagkwentuhan kasi kami ng bongga ni Ate Beth about sa school at kay Liam.
At hanggang ngayon tumatakbo pa rin sa isip ko ang sinabi ni Ate Beth. Hindi ko talaga makalimutan ang usapan namin na 'yun. Haay.
Flashback
"Ayan, siya yan noong bata. Haha." sambit ni Ate Beth habang pinapakita ang picture niya na karga si Liam.
*O*
"Wow. Ang cute naman po." Pasimple kong sabi. Wiee. Ang amo ng mga mata niya. Nakakatuwa.
"O eto pa. Kaiiyak niya lang dito dahil sa gagamba. Haha."- natatawang sabi ni Ate Beth habang itinuturo ang isang picture ng bata na cute at may hawak na laruan. Kita mo din na kagagaling lang nito sa pagiyak.
Bakit ganito si Liam?! T_T Sobrang cute niya pa rin kahit umiyak.
Errr. Pwede kayang makahingi ng kopya? >///<
"Tama na nga 'yan. >_> "- Sambit ni Liam sabay kuha ng photo album na hawak ni Ate Beth. Bakas sa mukha niya na ayaw niyang pagusapan siya.
"Yiee, nahihiya ka bang malaman nitong si Xeni na takot ka sa gagamba? Haha."- pambibiro ni Ate Beth.
"Hehe." napangiti na lang ako dun. Hindi naman pinansin ni Liam ang sinabi ni Ate at tuluyang itinago ang album. Waahh. Gusto ko pa namang tingnan ung ibang mga pictures. :(
"Hmp. KJ talaga 'to. Tska alam mo ba si Liam never pa yang nagka-girlfriend. Ewan ko ba kung bakit. Wala naman sa lahi namin ang bading."- Sabi ni Ate Beth na nakaharap sakin. Komportable siyang nakaupo at halatang nageenjoy sa pangungulit sa pamangkin niya.
"Pfft. Hindi naman po siguro bading si Liam. E-he-he."- walang pagiisip kong tugon sa sinabi ni Ate. Waah. Oh hinde!
"Aishh. Ewan ko nga ba diyan. Ang palagi niya lang sinasabi , may iniintay daw siya."- Ate Beth na halata ang pagkadismaya.
May iniintay?
May iniintay?
Tama ba ang rinig ko?
" >_< Ate Beth naman eh. "- sambit ni Liam na namumula ng konti. Napakamot na lang siya sa ulo. Iniintay ko siyang tumingin sakin pero bakit parang kanina pa niya iniiwasan? T_T
BINABASA MO ANG
Butterflies in my stomach (Completed)
RomanceKilalanin si Xeni Linnea, ang babaeng nagka-crush..nagkagusto at umibig sa katabi niyang suplado.