Jealous mode

2K 65 19
                                    

"Peace I leave with you; my peace I give you. I do not give to you as the world gives. Do not let your hearts be troubled and do not be afraid." John 14.27

Xeni's POV

"Gusto na kita noon pa lang. Alam ko masyado pa tayong bata pero gusto ko lang ipaalam sayo na ikaw lang ang laman ng puso ko wala ng iba."- Sambit ni Liam.

Pagkarinig ko noon, hindi ko alam kung matutuwa ako kasi ngayon lang siya nagsalita ng ganoong ka-cheesy o masasaktan kasi hindi ako..

"At pasensya ka na kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob. Itatanong ko na din sayo ang matagal ko ng gustong itanong, pwede ba kitang ligawan?

..Tifanny? " pagtutuloy ni Liam at ramdam mo ang sinseridad.

Hindi ako ang sinasabihan niya!

"Liam, hindi mo na dapat itanong 'yan kasi hindi ka pa nanliligaw, nakuha mo na agad ang puso ko." - tugon ni Tiffany.

*RIIINNNGGGGGGGG*

"Okay guys, bell na. Later na ulit tayo mag-rehearse ng lines ha. Start to memorize your lines in our script. To the props team, I'll talk to you later. Hmm, update ko na lang kayo for the meet-ups."sambit ni Tiffany at tumayo na sa kanyang upuan para ayusin ang gamit. Nagready na siya for the next subject. 

She's really enjoying this.

Sino ba naman ang hindi? 

T_T

"Sige. Nga pala bagay kayo ni Liam, hahaha." sabi ng isa kong kaklase.

"Tsaka parang feel na feel ni Liam ang mga lines." masayang sabi pa nung may role na nanay ni Tiffany.

"Oy guys, this is just for the play kaya huwag niyong gawing issue. Okay?"- paglilinaw ni Tiffany. Maniniwala ba ako? 

T_T

"Nga naman. Malicious talaga niyo! - pagtatanggol ni Raffy.

Pagkarinig ko nun ay pumunta na agad ako sa upuan ko at umub-ob sa lamesa. Ang sama sa pakiramdam.

:(

Hindi ko maexplain why I feel so bad? so sad? 

Aissh.

Nakagawa na si Tiffany ng script. Maganda naman ang script. The story goes like this: a girl and a boy likes one another pero hindi nila pinaaalam sa isa't'isa. It's because they are still high school students at akala nila crush pa lang ang nararamdaman nila pero it's more than that. It's more complicated than a crush kasi nadevelop 'yun which inspires them a lot and leads them to be better. The boy joined a school organization kasi sumali dun 'yung girl na gusto niya not knowing na kaya lang sumali si girl doon is because of him. And so on and so fort. Basta in the end, nagkatuluyan sila, they know their priorities and inspiration nila ang isa't isa. At kung anong pangalan namin, 'yun na daw ang gagamitin para less hussle.

Napagbotohan na si Tiffany na ang gaganap sa girl and Liam as the boy. And my role is Tiffany's best friend. Ako daw kasi ang nakalaan sa role na 'yun. >_<

At anong ibigsabihin nila dun? na nakatadhana ako na masaksihan ko ang sweet moments at confession nila ni Liam? Gahh.

I suddenly feel hurt every time na magre-rehearse kami kahit script reading lang.  Nasasaktan ako ng hindi nila alam. 

T_T

Maybe wala talaga kaming future ni Liam. 

Hays..

"Xe, are you okay? Masakit ba ang ulo mo?" tanong ni Monette. Tumingin naman ako sa kanya na teary eyes ng konti at sinabing okay lang ako.

Okay lang ba talaga?

Butterflies in my stomach (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon