"So we do not lose heart. Though our outer self is wasting away, our inner self is being renewed day by day. For this light momentary affliction is preparing for us an eternal weight of glory beyond all comparison, as we look not to the things that are seen but to the things that are unseen. For the things that are seen are transient, but the things that are unseen are eternal." Corinthians 4:16-18
Xeni's POV
Kinaumagahan, mga 6 am ako nagising. Nabasa ko ang text nina mama at kuya Nico at maayos naman daw sila dun. Si lola naman medyo bumubuti na daw ang kalagayan kumpara dati pero nanghihina pa din siya at hindi makatayo. Hayy. Sana gumaling na si Lola.
Bumababa na ako ng kwarto at nakita ko kaagad si Ate Beth sa dining table na nagkakape. Medyo namasyal pa kami sa garden nila. At ang ganda tlaga, ang daming mga bulaklak, roses na iba-iba ang kulay at mga orchids. Sa dream house ko, hindi pwedeng wala akong garden. Hehe.
Naghanda na kami ng almusal, tinulungan ko naman si ate sa paghahanda. Simpleng agahan lang na tinapay, sunny side-up, omelet at fried rice ang hinanda namin. Maya-maya pa ay bumangon na din si Liam, almost 8 na din 'yun. Ngumiti ako kay Liam at bumati ng good morning at bumati rin siya.
Ayan na naman ako, kinikilig. Aiishh. Ang gwapo pa din niya kahit bagong gising. Nu ba yan. <3
>////<
Pagkatapos kumain ay namahinga ng konti at inayos na ang aking backpack. Nagpaalam na din ako. Kailangan ko pa din namang bisitahin ang bahay namin no. Hehe.
Mga 10 am na din. Naglalakad ako ngayon at higit sa lahat medyo tense ako! Kasi kasama ko lang naman si LIAM!! Errr. Sabi kasi ni Ate Beth, samahan daw muna ako ni Liam ng sandali hanggang sa maayos ko na daw buksan ang bahay. Waaah. At hanggang ngayon hindi pa din kami nag-iimikan o nag-uusap tungkol sa nangyari kagabi.
>\\\\\>
Binuksan ko na ang gate at nasa likod ko siya. Successful ko naman nabuksan ang gate at ang pinto ng bahay at pansin ko ang pagsunod sakin ni Liam hanggang sa makapasok ako. Waaahh. Binuksan ko ang switch ng ilaw maging ang electric fan kasi ang init ngayon or hot lang talaga ang kasama ko. Wahaha.
Sunod yung sliding door namin sa may backyard kung saan plano ko uling magmuni-muni sa may duyan.
Bumalik ako sa may sala at nakita ko si Liam na tumitingin sa mga pictures na nakakapit sa dingding. Nandun ang family picture namin at mga graduation pictures namin ni kuya. Err, ang pangit ko pa naman noong elementary. Chos. Hehe.
"Hmmm." Medyo hindi pa aware si Liam sa presensya ko at para bang aliw na aliw siyang pagmasdan ang mga pictures at ang buong living room namin.
"Hehe, ang cute mo dito."sambit niya habang tinuturo ang nakakahiya kong baby pics na parang collage, my dad's idea.
Waah, cute daw ako?
Paulit please!
"H-hindi nman. Nakakahiya nga eh pictures ko lang talaga ang expose na expose dito. Si Dad kasi. Hehe." Pangiti kong sabi.
Ang hirap tlaga pigilin ng kilig.
"Do you miss your father?"
I chuckled a bit. "Syempre naman. Kung bakit kasi kinailangan niya pang manging-bansa. Still, alam ko naman na he's doing it for us. Hayy, I miss him a lot." Sagot ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mga pictures.
Nakita ko ang picture namin ni papa habang may hawak kami ng ice cream at noong karga niya pa ako kahit medyo baby damulag na. My father is an OFW in Saudi. He's been there for almost 5 years pero twice na siya nakapagbakasyon for a month or two. Seryoso ako ng sabihin kong miss ko na si Dad. I am spoiled by him not in a way na lahat ng luho sunod but everything is negotiable, a daddy's girl here. ^_^
BINABASA MO ANG
Butterflies in my stomach (Completed)
RomanceKilalanin si Xeni Linnea, ang babaeng nagka-crush..nagkagusto at umibig sa katabi niyang suplado.