"The Lord gives His people strength. The Lord blesses them with peace." Psalm 29:11
Xeni'sPOV
Kinuha ko agad ang phone ko at tinignan. Nakareceive ako ng text message galing kay Renz.
From: Renz
:((
Bakit naman kaya?
To:Renz
Bakit? Ayos ka lang ba?
SENT!
May problema ba siya? Muli kong naalala ang itsura niya bago umalis ng bahay at ramdam kong hindi siya okay.
From:Renz
Sorry kung hindi kita naihatid kanina Xeni. :(((
Aissh, akala ko naman kung ano na. Renz talaga oh. -_-
To :Renz
Ayos lang 'yun. No need to feel sorry. Tska hindi din naman kailangan na ihatid mo ako everyday eh.
SENT!
Wala siyang responsibilidad sakin. Minsan naiisip ko na masyado ng emotionally attached sakin si Renz. At ayoko ding maging pabigat sa kanya. Ayokong sakin lang umiikot ang mundo niya. Err.
From:Renz
Haay. T_T. Nasasaktan ako sa twing iniisip ko na ayos lang sayo na wala ako sa tabi mo. </3
Kailan ba magiging tayo at kailan ka ba magiging akin?
>////////<
Okay, inaamin ko na may strange feeling akong naramdaman na close to kilig sa last part na 'yun. Kinilabutan pa kamo. At kung sino man siguro ang makatanggap or makaramdam ng ganitong klaseng pagmamahal sa taong ganito manhid lang ang hindi kikiligin. Hayyy.
Ermm, paano ko ba rereplyan ang mga ganitong text? Huhu.
To: Renz
Renz, I am sorry pero please don't make this hard for both of us. Best friend kita at parang kapatid na din ang turing ko sayo. Please can we drop this subject? :'(
SENT!
Biglang nagbago ang mood ko dahil sa usapang ito. I already told Renz ang tungkol sa nararamdaman ko. At kung pwede lang, sana mawala na kung ano man ang nararamdaman niya na higit pa sa pagkakaibigan dahil ayaw kong masira ang friendship namin.
It's matter of love and friendship. I treasure Renz a lot, ayoko siyang mawala as my friend. Pero I guess I am being selfish na din kasi hindi ko talaga kayang suklian ang pagmamahal niya.
Aissh.
Ayoko na nga!
Ang hirap-hirap-hirap. >_<
Nag-ring ulit ang phone ko at kinakabahan na ako. Naman kasi!
From:Renz
Ayt, sensya na kung medyo madrama ako ngayon ah. Hehe. Ewan ko ba, nagseselos lang siguro ako. >_<
O_O
Tama ba ang basa ko?
Nagseselos si R-renz?! *gulp
To:Renz
Kanino naman?
SENT!
Actually, napaupo na ako ngayon sa higaan ko. Kanina kasi nakahiga ako pero ngayon ay napabangon bigla sa text niya.
From:Renz
BINABASA MO ANG
Butterflies in my stomach (Completed)
RomanceKilalanin si Xeni Linnea, ang babaeng nagka-crush..nagkagusto at umibig sa katabi niyang suplado.