Matt 5:16: In the same way, let your light shine before men, that they may see your good deeds and praise your Father in heaven.
Author: Renz's POV naman para maiba.. ito na ang kaloob-looban ni Renz para naman mas makilala niyo siya at mas mainitindahan o kahit paano ay malaman niyo ang boses ng mga taong inlove sa bestfriend nila. Actually para sa akin si Renz talaga ang ideal bestfriend. At kung wala akong Liam, siya na.. SIYANG SIYA ANG PIPILIIN KO. ^_^V
Renz's POV
Matapos ng palabas namin ay nagtungo na agad ako sa backstage para ayusin ang mga gamit ko. Malapit na rin kasing matapos ang concert na'to at para masabayan ko sina Xeni, kailangan ko nang mgligpit para mamaya isang bitbitan na lang. Alam kong may after party pang naihanda ang Vendelle club presidents para i-celebrate ang success ng concert na ito pero mas gusto kong kasama si Xeni..
Oo.. hindi ako ang pinili niya..
Pero hindi ko kailangang magkunwari na di ko na siya mahal ng higit pa sa kaya niyang ibigay.
Siya pa din ang laman ng puso ko at sa tinagal naming magkasama..
siguro naman hindi niyo ako masisisi na matagalan din ang pagmo-move on ko di 'ba?
Naalala ko tuloy ang pinagusapan namin ni Raffy kahapon. Parehas pala kaming sawing palad kaya naman relate na relate kami sa isa't isa. Hayy. Buhay nga naman. Pero tulad nga ng sabi niya.. mapalad pa din ako dahil kahit binusted ako ng taong mahal ko.. bestfriends naman kami..kahit masakit.. yun lang ang meron kaya dapat ko ng pahalagahan kumpara sa kanya na binusted na nga.. mukhang ayaw pang makipagkaibigan sa kanya ni Tiffany..
Tulad nga ng sinabi ko tungkol kay Tiffany.. ibang klase talaga siya.. Akalain mong may tinatago palang ugali 'yun.. Anyway, ayaw ko siyang husgahan dahil hindi ko naman siya talaga lubusang kilala..
I am just thankful and lucky that I am inlove with my bestfriend..
Oo, pinagbigyan ko na si Liam kay Xeni.. kumbaga alam ko namang talo na ako sa laban umpisa pa lang.. At tsaka ayaw ko na ding dumagdag pa sa isipin ni Xeni.. ayaw ko siyang mahirapan.. 'yun lang.. hindi ako sumuko para kay Liam.. kundi para pa rin kay Xeni.. Dahil alam kong nahihirapan na siyang pumili sa aming dalawa o kung mas lilinawin ay dahil sa ayaw ko lang talaga aminin ang pagkatalo ko noong una. Umasa kasi akong may pag-asa kahit paano pero kahit ganoon alam ko namang sinubukan ni Xeni na piliin ako pero kinulang.. Hindi lang pala kinulang kasi sobrang laki ng agwat ni Liam sakin..
Wews. Ang sakit aminin 'nun ah.
But right now.. Kuntento na ako kung ano man ang meron kami..
Hindi man sa paraang gusto ko..
Pero sa paraang mas magtatagal kami..
"Renz.. Finale na.. tayo na daw sa stage." Tawag sa akin ni Paolo habang may kinukuha sa bag na sombrero.
"Sige.. Susunod na ako." Sabi ko habang ipinasok sa bag ang ilang mga damit pa.
Ilang saglit pa ay natapos na ako lumabas. Simple lang naman ang finale namin, lahat kami ay nasa stage at kakanta ng sama-sama. Isunod pa ang ilang picture-picture ng grupo.
Matapos kumanta ay naghiyawan naman ang lahat sa pagtatapos ng concert na ito. Masasabi kong nag-enjoy talaga ako ngayon at sa last part which is the paper dance part dahil kasama ko si Xeni, as my bestfriend. ^_^
BINABASA MO ANG
Butterflies in my stomach (Completed)
RomanceKilalanin si Xeni Linnea, ang babaeng nagka-crush..nagkagusto at umibig sa katabi niyang suplado.