2 Tim 3:16: All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness,
Xeni's POV
"Xeni, tignan mo o, sina Renz na ulit!!" masiglang sabi sakin ni Monette.
Kaya naman naputol ang tinginan namin at ang mga mata ko ay itinuon kay Renz. Lumabas ang Vendelle dancers, limang lalaki at limang babae na kapwa mgaganda at gwapo, sila ang mga talagang sikat na sikat na Vendelle dancers at kasama na dun si Renz.
"Guys, are you excited for our next activity?" tanong ng emcee. Naghiyawan naman ang mga babae.
"Because this time, hindi niyo lang sila makikitang magsayaw kundi may chance din kayong makasayaw sila." Mikayla.
"We need five girls and five boys para maging ka pair ng ating mga dancers here on stage. At ang ating shory but fun activity would be "Paper dance"!" Sigaw ng emcee. Mas lalo namang nagtilian ang mga tao.
"So who's up to party with them?!" sigaw ni Mikayla. Tumindi ang hiyawan sa buong gym nang bumaba ang lalaking emcee para kumuha sa audience. May ibang nagpalakasan ng irit, nagsayaw, kumanta at bumanat ng pick up lines para mapili. Iniuna ang paghahanap ng mga lalaking kapareha ng mga babaeng dancers. Sunod naman ang paghahanap ng mga babae para sa mga lalaking dancers.
At nang si Renz na ang hinahanapan ng kapareha, biglang nagsalita ang emcee na naiwan sa stage.
"Guys, Renz here wanted to invite someone to dance with her. I am sorry girls." Mikayla. Narinig naman naming nag 'awww' ang mga babae.
"Who is it again?" tanong ni Mikayla at iniaro ang microphone kay Renz.
"I wanted to dance with Xeni Linnea of A4."-Renz
Halos hindi naman ako makapaniwala sa narinig.
"Ako? Bakit?" tanong ko kay Monette at parehas kaming nagulat.
"Ms. Xeni Linnea? Where are you? Please come up on stage." Mikayla. Madilim ang buong paligid at tanging spotlight lang na nasa emcee sa baba ang mayroon at ilaw sa stage.
"Xeni, punta ka na. Tinatawag ka ni Renz." Pagtulak sakin ni Monette.
"Teka. Kailangan ko bang pumunta?Kinakabahan ako." Tugon ko sa kanya. Kita ko naman si Renz na parang hinahanap ako sa crowd.
"Oo, puntahan mo na siya." Raffy
*gulp
Tumayo na ako papunta sa unahan na medyo panic mode. Renz talaga. Bakit niya ako isinali dito? T-T
"Where are you Xeni Linnea? Kung wala siya, I guess we need to find someone else."Mikayla na ang sinabi ay nakapagpabuhay sa mga babaeng gustong makasayaw si Renz.
Lumalakad na ako papuntang unahan nang may biglang humigit sa kamay ko. Hindi ko kilala kung sino dahil sa madilim at dim ang ilaw sa mga sulok.
Narinig ko nang nagcount down si Mikayla at unti-unti na ding sumabay ang mga tao. "10, 9, 8.."
Hinihila ako ng lalaki palayo sa stage at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
"Teka lang, bakit mo ako hinihila? Sino ka ba?"- Tanong ko at medyo naiinis na din ako.
"Huwag kang pumunta.. huwag mo siyang puntahan.." narinig kong sabi niya at mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Kakaiba ang naramdaman ko ng ginawa niya'to. Mainit ang mga palad niya at malambot.
BINABASA MO ANG
Butterflies in my stomach (Completed)
RomanceKilalanin si Xeni Linnea, ang babaeng nagka-crush..nagkagusto at umibig sa katabi niyang suplado.