Masks of Love

1.2K 45 8
                                    

John 11:25: Jesus said to her, "I am the resurrection and the life. He who believes in me will live, even though he dies;

Xeni's POV

"I am sorry, Xeni." Raffy



"Bakit ka nagso-sorry?" Lumapit ako sa kanya.



"Sa inasal ko kanina, alam kong naguguluhan ka."



"You don't have to.." sagot ko kay Raffy. Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako ganito e, nasa isip ko lang talaga si Liam. Umupo muna si Raffy sa sahig at sumandal sa mga locker bago nagsalita.



"Gusto ko lang talaga umalis agad 'dun. Medyo masakit pa din kasi e."



Lumapit ako at umupo sa tabi niya.



"Akala ko madali lang ang magmove on, hindi pala. Kasi noong nakita ko ulit siya, hindi ko kaya, hindi ko kinaya. Parang sasabog ang puso ko nang tignan ko ulit siya. Hindi pala kayang magmove on overnight. Hayy." Malungkot na sabi ni Raffy.



"Si Tiffany, 'di ba?"



Mapakla siyang ngumiti. "Siya nga. Ang sakit, grabe. Pinipilit kong maging masaya, maging ayos, bumalik sa dati pero ang hirap...



Ang sakit mabusted...



Ang hirap palang magkunwari na ayos ka at masaya pero sa kaluob-looban mo, nadudurog ang puso mo.



First time ko manligaw, first time ko din mabusted. Ayos. Hehe." Napansin kong nangingilid na ang mga luha ni Raffy at unang beses ko siyang nakitang ganito.



Sinong mag-aakala na ang lalaking palatawa at kung titignan mo ay easy-go-lucky at walang problema sa buhay na katulad ni Raffy ay may mas matindi pa palang sakit na nararamdaman at dinadala kumpara sa akin.

"Raffy.."



"Sensya na Xeni kung napaglabasan pa kita ng hinanakit ko ah. Hindi lang kasi talaga ako handang harapin si Tiffany matapos ng kahapon kaya hindi ko alam ang gagawin noong sabayan niya tayong kumain.

Hindi ko siya kayang harapin na parang walang nangyari kasi hanggang ngayon mahal ko pa siya atmasakit pa din at lalong wala akong lakas ng loob na umupo katabi niya kaya naman inunahan ko si Liam sa tabi mo.

Sensya na ulit Xeni, alam kong inaasahan mo na si Liam ang tatabi sayo." Kinusot ng 'konti ni Raffy ang mga mata niya at bahagyang tumatawa.



"Ayos lang, naiintindihan ko Raffy. Basta ang mahalaga nailalabas mo ang nasa loob mo. "



"Salamat talaga Xeni. Gumaan ang loob ko kahit paano." Ngumiti na ngayon si Raffy ng totoo.



It feels good to help a friend, yung bang kahit nakikinig ka lang sa tabi niya alam mo na gumaan ang loob niya. Tumayo ako at iniabot ang kamay kay Raffy para tulungan siyang tumayo.



"Haay,pero alam mo Xeni. Malupet ka. Haha." Natatawang sabi ni Raffy at hinarap ang locker para kuhanin ang damit. And I know he'a back to the Raffy everyone knew.



"Huh? Bakit naman?"





"Bakit hindi mo alam kung bakit? Kaw ha, parang hindi ka nagu-guilty. Mga babae talaga. Hayy." Panloloko ni Raffy at hindi ko pa rin gets kung ano gusto niyang sabihin. @_@



"Guilty? Bakit?"



"Aissh. Kawawa talaga si pareng Renz. Aww."



Si Renz?



Butterflies in my stomach (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon