Proverbs 16:3 Commit to the LORD whatever you do, and he will establish your plans.
Xeni's POV
Dear Diary,
Haay. Ang saya-saya ko talaga ngayon! Dahil bati na ulit kami ni Renz. Ang saya sa pakiramdam na nandyan pa din siya at ayos na ulit kami. Matapos naming mag-usap, ayun nilibre niya ako ng pagkain. Namiss ko din ang foodtrip namin. I-ininvite din nga pala niya ako sa mala-concert nila bukas. Kasabay ko ulit siya umuwi at parang back to normal naman kami. *teary eyes
Kaya lang hindi pa rin pala ako ganun kasaya, dahil hindi ko nakita si Liam matapos niyang ihatid si Tiffany. Hindi ko na sila parehas nakita e. T_T
Ewan ko ba, may konting kirot pag naiisip ko ‘yun. Di bale, makikita ko naman ulit siya bukas at tsaka hinawakan niya ang kamay ko ‘nung sa Haunted House. >///> Ayiee, yun na lang ang iisipin ko. Haay. Kinikilig tuloy ako. O siya, bukas na ulit. Hehe.
XOXO
Isinarado ko na ang diary ko at nagtungo sa higaan. Masaya talaga ang araw na ‘to dahil di ko inaasahan ang heart to heart talk namin ni Renz. At the same time, nagtataka ako kung bakit hindi na namin nakita sina Liam at Tiffany. Aissh.
*jealous mode
Kausapin ko na lang si Liam. Oo, tama. Kaya lang nakakahiya, kung makaaasta ako parang girlfriend lang ang peg?! A big No, No.
Biglang nag-ring ang phone ko at pagbukas ko,
From: CoolRenz
Oy Ms.Kwek-kwek, goodnight na po. Ang takaw mo talaga Xeni! Haha. Salamat dahil pinayagan mo ulit akong maging bestfriend mo. Tulog ka na, ang laki na ng eyebags mo e. XD Goodnight!
CoolRenz, siya po ang nagpangalan niyan sa contacts ko. Gulat nga ako pero pinagbigyan ko na din. XD Aissh. Renz talaga! Naalala ko tuloy kung paano namin ubusin ang tinda ni kuya na magfi-fishball at kwek-kwek. Kyaah.
To:CoolRenz
Nahiya naman ako sayo, Mr. Fishball. Haha. Syempre, your always be my bestfriend Renz and I am always here for you no matter what. ^_^ PS. Wala akong eyebags! :P Goodnight din!
BINABASA MO ANG
Butterflies in my stomach (Completed)
RomanceKilalanin si Xeni Linnea, ang babaeng nagka-crush..nagkagusto at umibig sa katabi niyang suplado.