"May the Lord of peace himself give you peace at all times and in every way. The Lord be with all of you." 2 Thessalonians 3:16
No one's POV
Sa student's park
"Tiffany, for you." Inabot ng isang lalaki ang bouquet of tulips kay Tiffany. May mga ilang nakatingin sa dalawa at nagbubulungan at dahil din dito napilitang tanggapin ni Tiffany ang mamahaling bulaklak.
"Let's sit over there." sabi niya sa lalaking makikita mo na masaya dahil tinanggap ang mga bulaklak. Nauna si Tiffany at sumunod ang lalaki.
"Nagustuhan mo ba? Favorite mo yan di-"
"I told you before, hindi kita gusto." iyamot na sabi ni Tiffany na ngayon ay nakaupo sa mga wooden bench at kaharap ang lalaking nabalot na ng lungkot ang itsura. Wala gaanong taong dumadaan dito dahil halos lahat ng estudyante ay nasa event centre na medyo malayo sa student's park.
"Tiff, if you just give me a chance. I'll prove to you how much I like you."sambit ng lalaki.
"Huwag ka ng umasa. If you just accept it from the beginning, you've move on by now."
"I tried okay. But I can't. Bakit ba kasi hindi mo ako mabigyan ng chance? Pwede mo bang sabihin kung bakit kasi mababaliw na ako sa kaiisip sayo at sa gagawin ko."
"Fine. Wala sa plano ang sabihin ko sayo 'to pero may gusto na akong iba. And I am sorry. Now, would you please stop liking me." Medyo naiiritang tugon ni Tiffany.
Para namang unti-unting napupunit ang puso ng lalaki matapos ang narinig. Huli na ba ang lahat para sa kanilang dalawa, isip niya. Nakaramdam siya ng matinding sakit, sakit na di niya inakalang paulit-ulit niyang mararanasan sa iisang babae.
"Ganun ba, pwede ko bang malaman kung sino?" malungkot na tanong ng lalaki na parang wala na sarili.
"Sa palagay ko hindi mo gugustuhin malaman kung sino." mahinang sabi ni Tiffany.
"Kilala ko ba siya?"
"Oh yeah. At mas mabuting hindi mo alam kasi sooner or later baka ikaw pa ang makasira sa future relationship namin."
"Sana lang wag si Liam ang tinutukoy mo."mapaklang banggit ng lalaki at pinahid ang nangingilid na luha sa mga mata.
Nanahimik bigla ang paligid waring iniintay ng lalaki ang sagot ng babae. Tumingin lang si Tiffany sa malayo at huminga ng malalim.
Sapat na ang katahimikan no Tiffany para sagutin ang kanyang tanong.
"Huwag mong sabihing.."gulat na sabi ng lalaki.
"Tama ka. Si Liam nga. Look, ayaw kitang saktan at hindi ko alam na may gusto ka sakin. At kung alam ko man, hindi ko din alam na magkakagusto ako kay Liam na bestfriend mo, Raffy.."
Napahampas na lang si Raffy ng mahina sa lamesa at tumayo bigla. Naguguluhan siya at nasasaktan sa nangyayari.
Bakit si Liam pa?! Doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon na hindi niya maipaliwanag.
"I better go, madami pa akong aayusin sa event.." Tumayo na si Tiffany para umalis.
"Tiffany, saglit lang. Naiwan mo." At inabot ni Raffy ang bouquet kay Tiffany.
"Hindi mo na nga tinaggap ang nararamdaman ko sayo, pati ba naman ang inosenteng mga bulaklak, tatanggihan mo." pilit na pagpapatawa ni Raffy pero kita pa din ang lungkot niya at sakit na nararamdaman.
"Raffy, I can't--"
"Just take it. Para kahit paano mabawasan ang sakit dito." at tinuro ang puso niya, ngumiti ng mapakla at umalis.
BINABASA MO ANG
Butterflies in my stomach (Completed)
RomanceKilalanin si Xeni Linnea, ang babaeng nagka-crush..nagkagusto at umibig sa katabi niyang suplado.