Eph 3:20: Now to Him who is able to do immeasurably more than all we ask or imagine, according to His power that is at work within us,
Xeni's POV
February 14
7:00 am
Nagising ako hindi sa alarm clock ko kundi sa ring ng cellphone dahil sa may tumatawag..
"H-hello.." pikit mata kong sinagot ang cellphone. Ang aga-aga pa.
'Xeni!! Asan ka na?!' Monette. High-pitched ang boses. >_< Inilayo ko saglit ang phone ko sa tenga.
"Nasa bahay pa.. maya pa ako papasok.."
'Wews! Teka. Nakahiga ka pa din ba?'
"Ahh... medyo.." Hindi kasi ako nakatulog ng ayos parang madaling araw na ata ako dinatnan ng antok. Dahil sa alam niyo na..
'Ganun ba.. sige. Text mo na lang ako pag papunta ka na ng school. Promise me!'
"Okay.. sige- sige.. tulog lang ako ng konti pa.."
'Promise ka muna..'
Ang kulit ni Monette. "Oo na.. promise.. Sige. Ibaba ko na 'to. Geh." At nagpaalam na din si Monette. Bumalik naman ako sa tulog..
Kasi pagtulog ako..
Hindi ko ramdam ang sakit..
_____________________
Third Person's POV
School..
Sa may student's park, makikita ang grupo ng mga estudyante na nakaupo at nagkukwentuhan habang nagiintay.
"Classmates, alam niyo ba kung bakit tayo nandito sa school ng ganito kaaga?" Classmate1
"Oo nga! Bakit ba niya tayo pinapunta dito?"- Classmate2
"Ewan ko.. wala naman sinabi sa text kung anong dahilan basta pumunta lang tayo at kung hindi tayo pupunta, tanggal na daw tayo." –Classmate3
BINABASA MO ANG
Butterflies in my stomach (Completed)
RomantizmKilalanin si Xeni Linnea, ang babaeng nagka-crush..nagkagusto at umibig sa katabi niyang suplado.