Epilogue

1.7K 103 32
                                    

                                                    Epilogue

Ilang buwan na ang nakakalipas pamula magValentines day pero fresh pa din sa akin ang lahat at kada umaga ko pa ring tinatanong ang sarili ko kung totoong nangyari ang lahat.

Kyahh. Ang sarap naman ng may nagmamahal. Charooot!

Inamin sa akin ni Monette na nakipagsabwatan siya kay Tiffany para sa play. Si Liam naman, todo effort daw sa pagkanta.. pambubuko ni Ivan. Si Raffy ang in-charge sa page-entertain sa akin. Si Renz ang may sagot ng mga costumes ko. At akalain mong nagawa nilang ilihim sa akin ang lahat.. >_> Isama niyo pa 'yung eksenang hindi makita si Liam.. at parang nagpapanic na ang lahat sa last scene sa play.. umaarte lang pala sila. Hindi ba nila alam na kinabahan ako ng sobra dun?! Akala ko iniwan ulit ako ni Liam ee.  >_<

.. time flies so fast and everything falls into places.

Masaya kong tinitignan ang mga pictures sa table ko. At natatawa pa din ako kapag naalala ko noong nagpunta kami sa isang theme park after ng foundation week... kaming buong grupo.. at mas lalong masaya dahil libre 'yun ni Tiffany. Grabe nga e. Sino ba naman ang makakatanggi sa libre? At kakaiba namang enjoyment ang naranasan namin noong araw na'yun. Lahat ng rides sinakyan namin. At dahil halos bente katao ang kasama, sakay kami sa mini bus. Kasama din namin si Renz, tumulong din daw kasi siya sa play. Kami din pala ang nanalo sa play. Kyaa! Naiuwi namin ang gantimpala!!

Sina Ivan at Monette, kahit nagkaroon ng konting away dahil sa ex.. naayos naman. Sila pa! Eh, going strong ang dalawa!

Si Raffy, wala naman pinagbago.. mas naging makulit at ummm.. sila ni Tiffany ang bagong loveteam ng masa! Swear! May something! Haha. Pero in denial ang dalawa.

After ng Foundation week, balik-eskwela na naman.. nagfinal term na din..

May kanya-kanya na rin kaming plano sa buhay..since graduating na kami..

*teary eyes

Nakapagtake na kami ng entrance exams sa iba-ibang schools na plano naming pasukan sa college.

Ivan is going to take Conservatory of Music, si Monette naman.. hindi alam kung ano ba talaga ang gusto. Noong isang araw gusto niyang course, Pharmacy.. tapos noong nakaraan naman Tourism. Sumagi din sa isip niya ang mag-teacher. At sa dinami-dami ng pagpipilian, wala pa rin siyang mapili. Undecided. -__-

SI Raffy, Information Technology ang gustong kuhanin samantalang si Tiffany ay Communication Arts. Nakakatuwang isipin na alam mong gusto talaga nila ang course.

SI Renz, gusto niyang maging abugado pero namimili pa siya ng pre-law para ipagtanggol ang mahihirap. CHOS lang. XD natatawa nga ako ng sinabi niya 'yun. Siya daw ang magpapakulong sa mga taong katulad ni Napoles. XD At masaya naman ako para sa kanya. Napakasupportive na bestfriend. Kyahh!

Ako naman.. ummm.. Nursing ang kukuhanin kong course at gusto ko ding maging doctor. Hindi naman lingid sa kaalaman niyo na favourite ko talaga ang Science. At mula pa bata, gusto ko na talagang mag-doctor. Hehe.

Si Liam naman.. ano sa tingin niyo ang bagay sa kanya?

Ummm.. Engineering ang napili niyang kuhanin. Alam kong kaya niya 'yun, sisiw lang ang Math dun e. I-perfect ba naman ang final exam sa Calculus. Siya na!!  >_>

Maya-maya pa ay may narinig akong katok.. "Xeni, bangon na.. May naghahanap sayo." Sigaw ni Papa.

Oo, tama ang rinig niyo. Si papa, umuwi siya rito para magbakasyon ng isang buwan. Timing sa graduation ko. Kaya havey na havey talaga ang mga pangyayari.

Butterflies in my stomach (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon