Chapter 7

1.1K 85 22
                                    

#YTLE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#YTLE

Even though my friends already knew what happened between me and Gavin. I still can't help but to feel bothered and sad. I don't know. I still feel that I am not okay.

I don't have any classes today because it's Sunday. I was about to read and arrange my schedule but before I could do that, nasira 'yung table. Bumigay na siya ng kusa.

And now here I am, nakasimangot akong nakaupo sa sasakyan ni Javik habang yakap-yakap ang unan sa loob. Nag-message kasi ako sa group chat namin kanina kung sino ang available sa kanila, magpapasama ako na kunin 'yung bagong study table na binili ko.

Walang nag-reply kaya akala ko, walang libre sa kanila. Nagulat ako nung nakatanggap ako ng text mula kay Javik pero ito siya ngayon, nagsusungit!

Traffic na nga, nakakainis pa 'tong kasama ko.

Since our talk in the restaurant three days ago, ngayon na lang ulit kami nagkita. I didn't bother checking him kasi kahit hinintay niya ako no'n, hindi niya ako kinibo. I thought he's okay now that's why he's helping me, ayun pala hindi pa rin. Kasama ko siya pero parang hangin lang ako sa kanya gano'n. Humalukipkip lang ako habang nakatingin ng diretso sa daan.

"Bakit mukha kang may kaaway?" He suddenly broke the silence.

Umawang ang bibig ko at tinakpan 'yon ng palad ko, "Hala! Nagsasalita ka pala!" Umakto akong gulat na gulat.

"Ha-ha, Eunice. Ha-ha," he replied, his mouth dripping with sarcasm. Nanahimik ulit ako at hindi siya sinagot. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Come on, Eunice. Talk to me," sabi niya, "please?"

"Ikaw kaya 'yung hindi kumakausap sa akin," mataray na sabi ko at hinarap siya. "Akala ko hindi ka na galit kasi tinutulungan mo 'ko ngayon tapos hindi mo naman ako kinikibo."

"Sorry. I was just thinking about my readings," sagot niya na ikinalaki ng mata ko.

"Hoy, Jare! Bakit mo iniwan 'yung readings mo? Dapat hindi mo na ako sinamahan!" Malakas na sabi ko.

"Chill. I only have five readings today. I'm done reading and studying them. Inaalala ko lang sila para hindi ko makalimutan. Plus, break time ko na 'to para naman hindi overloaded ang utak ko gaano," balik niya.

"Sure ka ha?" Paninigurado ko. Tumango naman siya.

"Bakit kasi hindi mo na lang pina-deliver 'tong mesa mo?"

"Wala raw magde-deliver today. Need na need ko na kasi bumagsak 'yung study table ko kagabi. Buti nga, hindi nakapatong 'yung laptop ko doon. Baka pati laptop mapabili ako ng wala sa oras," nakangiwing sagot ko.

"Wow, yaman."

"Mangungutang ako sa'yo," sagot ko at malakas na tumawa.

"I'll just give you my old laptop, if ever," sabi niya pabalik. Tumawa ako lalo nang malakas doon at umiling.

Yuna, The Love Expert (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon