Chapter 28

1.1K 71 9
                                    

#YTLE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#YTLE

"Sorry na, Ate."

Mariin ang titig ko kay Jano habang nakayuko siya. Pinaglalaruan din niya ang mga daliri niya habang panaka-naka akong sinisilip. Bumabalik din naman siya sa dating pwesto niya kapag nasasalubong niya ang mga mata ko.

"Bakit ka ba kasi umalis pa sa bahay kagabi?!" Singhal ko sa kanya. Nasa private room naman na kami at may gasgas siya sa sentido. Napilay rin ang kaliwang kamay niya.

"Bigla kasi namin naisipan ng mga kaibigan ko na mag-group study para sa upcoming licensure exam namin," tugon niya, "at saka, gusto ko rin kayong bigyan ni Kuya Javik ng private space. Matagal na rin nung huli kayong nagkita," mahinang usal niya.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang naluluhang nakatingin sa naka-cast niyang braso. Napahikbi na lang ako dahil sa pag-aalala sa kanya.

"Ate naman e. Ayos naman ako oh, pilay lang naman inabot ko e," sabi niya at niyakap ako. Hinahaplos niya ang likod ko para patahanin ako pero hindi ako makakalma dahil sa kaba.

Akala ko pati siya mawawala na rin sa akin.

When I received the call earlier, we drove here as soon as we could. With, of course, minding the traffic signs and laws.

Wala na akong pakialam sa mga nababangga ko dahil ang nasa isip ko lang makita ko si Jano na maayos. Nagtanong ako sa isang nurse at saktong siya pala ang tumawag sa akin. Iginiya niya ako sa emergency room kung nasaan si Jano at ang driver ng taxi.

Muntik akong himatayin nung nakitang duguan 'yung driver, kaya dumoble ang kaba ko habang hinahanap si Jano sa emergency room. Nakahinga ako ng maluwag nang makita siyang nilalagyan ng cast sa dulo. Mabuti na lang at hawak-hawak ako ni Javik. Baka kasi napaupo pa ako sa sahig dahil sa paghagulgol ko.

I asked him what happened. Sumakay na siya ng taxi pauwi dahil matutulog na raw siya sa bahay. Maayos naman daw ang pagpapatakbo ng driver, nasa tamang lane at sumusunod naman daw siya sa mga traffic light. Nakapikit siya sa backseat tapos napadilat siya nung naipit na ang kamay niya sa gilid.

The driver who hit their car ran away. 'Yung mga taong nakapaligid na lang daw sa kanila ang tumawag sa emergency.

"Ang kapal talaga ng mukha nung nakabangga sa inyo! Karmahin sana siya!" Parang bata akong nagsusumbong sa sobrang inis ko.

"Food is here." Bumaling ako sa pinto at nasa bukana no'n si Javik na may dalang paper bag.

Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng pagkain at si Jano muna ang inasikaso ko. Hindi kasi siya makakakain ng maayos kaya sinubuan ko muna siya. Nang matapos siya ay ako naman ang kumain.

"Kukuha lang ako ng damit natin," sabi ni Javik.

"Huh?"

"Dito tayo matutulog 'di ba?" Tanong niya. Hindi agad ako nakaimik.

Yuna, The Love Expert (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon