Chapter 9

1.1K 74 0
                                    

#YTLE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#YTLE

Madilim pa sa labas pero nasa byahe na kami papunta sa na-rentahan na private resort ni Elijah. Ipon ko naman ang ginastos ko para rito kaya safe pa naman ang allowance ko para sa buwan na 'to.

Van nila Macey ang gamit namin at si Alby ang nag-drive. Katabi niya sa harap si Cath. Sa likod nila ay si Macey at Elijah habang kami ni Javik ang magkatabi sa likod. Sumama rin ang kapatid niyang si Jore na mag-isang nasa likod na kasalukuyang natutulog.

I am currently eating fries while watching a movie sa iPad ko. Nag-drive thru kami kanina para hindi na kami hihinto pa sa byahe at hindi na bababa pa para kumain. Tulog na tulog ang mga kasama ko bukod kila Alby at Cath. May pinag-uusapan sila na hindi ko naman naririnig. Hindi pwedeng matulog si Cath dahil baka antukin si Alby while driving.

Napatingin ako kay Javik nung gumalaw siya at hinila ang kumot ko. Hahampasin ko sana pero tulog pala siya. 'Yung kumot niya bumaba na sa kandungan niya. Naawa naman ako kasi habang nakasandal ang ulo niya sa bintana, umuumpog-umpog 'yon dahil sa mga nadadaanan naming lubak.

Marahan ko siyang hinila at medyo nagising siya. Nginitian ko siya nang magtama ang tingin namin. Sobrang inaantok pa siguro siya kaya hinayaan niya akong hilahin siya at pinahiga sa kandungan ko. May dala akong extrang unan dahil hindi ko kayang matulog ng isa lang ang unan ko. Pinahiga ko siya doon at agad kong naramdaman ang mabibigat niyang paghinga ulit.

Inubos ko lang ang fries ko at kasabay no'n ay ang pagtatapos rin ng pinanonood ko. Pinatay ko muna ang iPad at pinanood na lang ang mga nadadaanan namin.

It made me feel at ease. I feel light.

Nadantay ko ang kamay ko sa buhok ni Javik at ang una kong napansin ay kung gaano ka-lambot 'yon. Hindi ko napigilang suklayin 'yon dahil sa pagkamangha. Mas malambot pa yata buhok niya kaysa sa'kin? Ang daya. Bakit kaya kung ano 'yung gusto ng mga babae nasa lalaki? Katulad ng pilikmata niya. Ang haba at naka-pilantik pa. Gumagamit pa ako ng eyelash curler para ma-achieve 'yung ganyan.

"Yieee! Hoy, Eunice! Ano 'yan? Bakit may pa-ganyan kayo ni Jare ha?" Napabitaw ako sa pag-hawak ng buhok ni Javik sa sinabi ni Cath.

Inirapan ko siya bago sumagot, "Ang issue mo. Natuwa lang ako kasi ang lambot ng buhok niya."

"Bakit ba kasi nakahiga siya sa'yo?" Nakangising tanong niya.

"Nakasandal kasi siya sa bintana kanina, kawawa naman umuumpog 'yung ulo habang natutulog," sagot ko. Humagikgik siya sa sinabi ko at tinuro si Elijah.

"Bakit 'yan hindi mo rin pahigain sa kandungan mo?" Pang-aasar niya. Umuumpog din kasi 'yung ulo ni Elijah sa bintana.

"Katabi ko ba siya?" Balik ko. Tinaas niya ang dalawang kamay niya, tanda ng pagsuko, habang tumatawa.

Mabuti at hindi nagising 'yung iba sa pag-uusap namin. Mas malalang pang-aasar 'yon at mas nakakahiya rin dahil sigurado gising din si Javik no'n.

I spent the remaining time of our trip listening and enjoying some inspirational talks and horror stories in podcasts. Travelling like this in the middle of a busy week is definitely a breather and a refreshment that I need.

Yuna, The Love Expert (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon