Chapter 3

1.2K 82 29
                                    

#YTLE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#YTLE

Buong oras na magkasama kami kahapon ni Nath ay pinapagalitan niya lang ako at nagkaroon pa kami ng maliit na pagtatalo. That I should stay away from Gavin as much as I can but how could I? When everyone around us makes me remember about him.

Pagka-post ko pa lang nang huling confession ay umani na kaagad ng maraming reaksyon at komento sa page ko. May ibang nagagalit at may ibang nagbibigay rin ng sarili nilang suggestion or opinion sa problema niya. Natatawa ako habang binabasa 'yung mga comment na nakaka-relate raw sila ng sobra at ang iba ay napagdaanan na rin daw nila 'yon.

I gulped down the remaining water on my mug when I noticed the time. Oras na pala para umalis ako. I still have to drop by sa mall to buy a few things needed for my subject today. I grabbed my tote bag and my car keys before heading out.

Dumiretso ako sa National Bookstore pagkarating ko sa mall at nag-scan sa educational books section. Nakuha ko na 'yung dalawang books na kailangan ko dahil nakabungad lang naman 'yon sa shelf. I checked the time again and I still have enough time, that's why I searched for the book needed for my Calculus class. May nakita akong isa kaya nagmamadali kong kinuha 'yon at nilagay sa basket. Nakapagbayad na ako pero may nakita akong cute na notebook. Pinuntahan ko 'yon nang makasalubong ko si Gavin.

"Hey," he calmly greeted.

"Hey," I replied with a blank face. Lalagpasan ko na sana siya ng mag-tanong siya.

"Are you mad at me?" He asked. I scoffed sarcastically because I immediately knew what he was pertaining to.

"Bakit naman ako magagalit sa 'yo?" Sarkastikong tugon ko.

"I'm sorry," was all he could say.

"Sorry? Alam mo Gav, okay lang naman na magkaroon ka ng girlfriend. Pero two weeks after our breakup? Sana 'man lang ginawa mong one month."

There, I suddenly bursted out.

"I-I fell in love."

"Tangina. Ako hindi mo minahal gano'n?" I sarcastically said.

"No, Eunice. I loved you, but I don't know. I even don't get myself. One day, I woke up and the love I felt for you wasn't there anymore."

Each word that came out from his mouth broke me. Ang bilis naman. Ganoon lang?

"So, matagal mo na pala akong hindi mahal gano'n?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napaawang ang labi ko ng tumahimik siya. "Bakit pinatagal mo pa?" Tumulo na ako ang luha ko sa lagay na 'yon.

"I felt guilty... I-I couldn't find the right words to say," mahinang usal niya.

"Kakaisip mo ng mga tamang salita, pinagmukha mo na akong tanga, Gav. Mukha akong ewan na araw-araw nag-aalala kung kamusta ka na ba o anong ginagawa mo kasi hindi ka nagpaparamdam sa akin," umiiyak kong turan. "Be honest, Gav. Did you cheat on me?"

Yuna, The Love Expert (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon