#YTLE
Pagbaba ko ng sasakyan ko ay bumungad sa akin ang mga trabahador ko na nagbubuhat ng mga furniture namin sa delivery truck. Dumiretso na ako sa loob at agad akong nginitian ng iba pang worker na gumagawa ng furnitures.
“Good morning boss!” Masiglang bati sa akin ni Shirley, katiwala ko rito sa furniture shop.
It’s been six years since I left. Everything changed.
Ako na ngayon ang may hawak at nagpapatakbo ng furniture shop ni Mama. How I hated to work here before but now, I couldn't let it go.
It reminded me so much of my Mama. Her hardwork, her passion and her happiness. I remember the reason why I decided to save it from dissolving. It was when I found my Mama's memory box after she died.
Yes. She left us that year.
The cancer cells spread quickly and I can't count how many times she underwent chemotherapy, but none of it has helped her. But at least, it gave us more time to be with her until she finally decided to rest peacefully.
It wasn't a painful death. She died while sleeping and with a smile plastered on her face.
"Ma'am, death anniversary ho ni Sir ngayon 'di ba?" Henry asked. Ngumiti ako at tumango.
He is our designer. Magaling siyang gumuhit. Sa totoo lang, malaki ang potensyal niya kung hahasain niya 'yon pero hindi kaya ng pamilya niya. Nag-apply din siya sa akin dahil isa raw sila sa mga pamilyang natulungan ni Papa dati. I promised I would send him to school kapag nakagaan-gaan na ako.
"Sama kami ni Bert sa pagbisita, Ma'am!" Wika niya.
"Ako rin!" Sigaw ni Shirley mula sa labas ng opisina ko.
"Sige. Sunduin muna rin natin si Jano mamaya," tugon ko sa kanila.
Buong araw ay ginugol ko sa pag-aayos ng mga financial statements ng shop. Chineck ko rin kung maayos bang naipadala ang mga order sa amin, ganoon din ang mga nagpa-customize pa. Tinignan ko rin ang mga ginagawa pa lang na mga upuan at mesa kung pulido ba at walang sira.
Matapos no'n ay hindi na ako kumain dahil kakain din kami nila Jano mamaya. Kinuha ko ang mga sobre at nilagay ang mga sweldo nila. Dinagdagan ko na rin lalo na sa mga nakikita ko laging nagsisikap.
"Tara na," yaya ko sa kanilang tatlo.
Sumakay na kami sa sasakyan ko at sinundo si Jore mula sa University niya. Matatapos na niya ang undergrad program niya at itutuloy pa 'yon sa susunod na taon. Initially, he wanted to be an accountant, but he decided to take Med Tech after what happened to Mama.
He wanted to be a doctor. He wants to help people who have the same disease as Mama. He wants to save lives.
Tapos na niya ang internship niya at tinatapos na lang ang thesis niya. Graduation na niya next month.
BINABASA MO ANG
Yuna, The Love Expert (COMPLETED)
Romance[Unrequited Series 1] Eunice Aina Facundo goes by the pseudonym, Yuna and was labeled as a Love Expert because of her page that gives free love advice. It was all because of her complicated love life. She was aware that being in a secret relationsh...