#YTLE
Hinihingal kami ni Nathan pagkarating namin sa hospital. Bumungad sa akin si Papa na nakayuko at umiiyak sa labas ng ICU. Agad akong napakapit sa kamay ni Nathan dahil nanghina ako sa itsura ni Papa.
He looks so helpless and he looks lost.
"Papa..." I called him. Trying my best not to let him hear the crack in my voice.
"Eunice," he said and smiled a bit.
Maga pa ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak ko habang pauwi kami dito sa Bulacan pero hindi ko mapigilang umiyak ulit. I hugged Papa and as soon as I did, we both broke down.
"What happened?" I asked in between my cries.
"We were eating our lunch. Bigla siyang uminda ng sakit ng tiyan. Ilang linggo na niya iniinda ang pagsakit ng tiyan niya pero sabi niya wala lang 'yon. I don't want to scare her by suggesting we should go to the hospital, kaya hindi ko na siya niyaya. Nagulat na lang ako nung hinimatay siya at namumutla na," he answered.
His shoulders were shaking. Humiwalay siya sa akin at napahilamos siya sa mukha niya sabay tumingala.
"Pumutok daw 'yung bituka niya. Mabuti na lang daw at nadala siya kaagad dito dahil pwede siyang malason doon. The doctor said she's now okay doon but..." he paused. "...your mother has colon cancer."
Napabitaw ako sa kanya nang marinig ko 'yon. "Pero Pa, malakas naman si Mama e. 'Di ba?"
Halos hindi ko na mabitawan ang mga salitang 'yon. Parang hindi ko kaya marinig kung ano ang magiging sagot niya.
"She kept this from us. Matagal na pala niyang alam na may cancer siya but she chose not to tell us anything," dagdag ni Papa. "Early stage pa lang daw kaya pwede pang maagapan. But her doctor said we still need to be careful dahil mabilis lang kumalat ang cancer cells."
Natulala na lang ako habang pinoproseso ang sinabi niya. Pare-parehas kaming tatlong walang imik. Nath hugged me from the side while caressing my back. Hindi maampat ang luha ko at walang pumapasok o napo-proseso na kahit ano ang utak ko.
"Magiging okay din si Tita," he kept on whispering to me. Wala akong sinagot pero kumakapit ako. Naniniwala ako na magiging okay din si Mama.
"Si Jano?" Tanong ko kay Papa. Hilam ng luha ang mga mata ko pero hinahanap ng mga 'yon si Jano. I need to know he's okay, too.
"Pabalik na 'yon siguro. Kumuha siya ng mga damit namin habang nagbabantay dito," he answered. "You should go back to Manila, Eunice. Kaya na namin dito—"
"No. I'll stay hanggang maging okay si Mama," putol ko sa kanya. "Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nakikitang okay siya," I uttered.
"She'll be fine. She's strong."
I smiled and nodded at Papa. Yes, my mother can survive this. Hindi ko pa siya nasusuklian sa lahat ng ginawa niya para sa akin—para sa amin. She deserves the best in the world and it's too early for her to leave.
BINABASA MO ANG
Yuna, The Love Expert (COMPLETED)
Romance[Unrequited Series 1] Eunice Aina Facundo goes by the pseudonym, Yuna and was labeled as a Love Expert because of her page that gives free love advice. It was all because of her complicated love life. She was aware that being in a secret relationsh...