Chapter 16

1K 84 24
                                    

Kailangan bang mawala mo 'yung sarili mo kapag nagmamahal ka? Do you need to change everything about you just to make him happy? Is this even love?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kailangan bang mawala mo 'yung sarili mo kapag nagmamahal ka? Do you need to change everything about you just to make him happy? Is this even love?

From: T

***

Yes, T. That is love, but a toxic kind of love. You don't have to lose yourself just to make him stay. You have to put yourself first before anything else. Love isn't a one way process. Remember that. Save yourself, before it's too late.

— Yuna

#YTLE

When the game started, all I could think about was Tine and Javik. Bakit naman kailangan niyang magpakita ngayon?

Stupid heart. Why do you have to beat for him now?

"Eunice! 'Yan 'yung varsity ng Psalm dati na nagkagusto sa'yo oh!" Sigaw ni Cath at tinuro ang lalaking nasa tapat namin. Siya 'yung magre-receive ng bola.

"Sino 'yan?" Kunot noong tanong ni Elijah.

"Gago, Gonzales. Playboy 'yan e!" Malakas na sabi ni Alby.

"Ay ang gwapo," wika ni Macey na ikinatawa ko.

"Walking red flag 'yan, Macey, gusto mo?" Pang-aasar ko. Inirapan niya ako.

"Masaya na ako kay Vern! Na-gwapuhan lang naman ako!" Tugon niya.

"Sus, na-gwapuhan. Kung hindi kayo nagkakilala ni Vern baka nga hiningi mo agad number niyan after ng game," pakikisali ni Cath sa akin.

"Hey! I love thrills pero kung alam kong masasaktan ako, ayoko 'no! Hindi naman ako gaga!" Mataray na balik niya sabay hair flip.

"Aray naman! May pa-pansit ka rin, Macey?" Sarkastikong sabi ni Alby habang inaalis ang mga hibla ng buhok ni Macey sa mukha niya.

"Sorry! Nagmaganda lang masyado," saad ni Macey at nagpa-cute pa.

"Anong year na nung Gonzales?" Rinig kong tanong ni Javik kay Elijah. Nagkibit balikat ang huli at si Alby ang kinalabit.

"Fourth year na 'yan. Pero ang alam ko bumagsak 'yan nung third year nila. Dapat graduate na 'yan e."

"Where did you even meet the guy?" Baling sa akin ni Javik.

"Huh? Gumimik kami noon nila Macey bago mag-end 'yung freshman year natin. Hiningi niya number ko and that's it. Sinabi niya lang na gusto niya ako," balewalang sagot ko.

"And you gave your number?"

"Of course not! Hindi ako nagbibigay basta-basta ng number, Javik—" napatigil ako. "Jare. Lalo na kapag hindi ko naman kilala."

"It's fine. You can call me Javik," he said while his forehead is creased.

"Okay lang. Lahat naman kami Jare ang tawag sa'yo. I don't know why I suddenly blurted out your first name," I chuckled.

Yuna, The Love Expert (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon