Chapter 15

1.1K 77 11
                                    

#YTLE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#YTLE

It was hard to forget him, especially since we were classmates at that time. The fact that I always see him is like giving a new life to my heart everyday.

Despite all of that, there's Nathan. He has no idea what happened during my last day of junior high school. Ang alam lang siguro niya ay nakakainis ako dahil halos araw-araw ko siyang niyayaya para gumala.

Favorable naman sa kanya kasi binibigyan kami lagi ni Tito ng pera panggala. Just like me, Nathan used to be a homebody, too. Lumala nga lang ako nung senior high school. Kaya tuwang-tuwa si Tito na palagi kaming umaalis noon.

Hindi pa 'man ako nakaka-graduate, ang alam ng mga magulang ko doon pa rin ako magsi-senior high school sa Manila. But I managed to persuade them. Sinabi ko na lang na gusto kong magbakasyon kila Lola and Nathan being the best cousin, he came with me pero dinahilan niya lang talaga ako. May crush siyang magsasaka malapit sa bahay namin.

Nathan took STEM, while I took HUMSS. I was never fond of playing with numbers or innovating new business ideas. I was always on the creative side. I love expressing myself through different styles of art. Hindi nga lang ako nabiyayaan ng artistic hands. Instead, I used words and letters to express myself.

Sa tatlong taon ko sa probinsya, mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pag-aaral ko at ang buhay na mayroon kami doon. It was refreshing. Marami akong hindi kakilala at mas naging komportable pa ako sa kanila. I had some acquaintances but not friends. We were casual pero hanggang doon lang. Hindi ko sila nakilala ng personal.

Nathan and I graduated with honors there which made our parents very proud. Great choice pa nga raw na doon na kami nag-aral. Gusto ko sanang doon na lang din mag-college dahil marami rin namang magagandang university din doon pero kinuha na kasi ng isa ko pang Tito si Lola at bakante na ang bahay namin sa probinsya.

Nasa states na rin si Lola ngayon dahil unti-unti na siyang humihina at mas maganda kung mas mababantayan siya ng personal nila Tito doon.

I had no choice, but to move back to Manila.

I enrolled in the same university that I attended in junior high school. Hindi ko na inexpect na makikita ko si Javik doon dahil ilang taon na rin naman ang lumipas. Baka nga mamaya nakuha pa siya sa ibang bansa bilang player o doon na lang siya mag-aaral ng law.

That's when I met Gavin. He was my classmate in Art Appreciation. Halos lahat kasi ay magkakakilala na dahil nasa iisang course lang sila habang ako naman ay malayo ang course sa kanila at ganoon din si Gavin. Naging common denominator namin 'yon para magkakilala at maging close kami.

But fate is really funny, because he was the one who introduced me to Javik.

It felt nostalgic to see him again. Less the feelings I have for him before.

Gavin introduced me to them as his new friend. Then, Javik introduced Alby and Elijah kasi magka-team sila sa volleyball team noon and Alby introduced Macey and Cath because they were high school friends. Javik doesn't seem to remember me at that time.

Yuna, The Love Expert (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon