Chapter 13

1.1K 66 5
                                    

#YTLE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#YTLE

6 years ago

Grade Nine

Same classmates pa rin. Sabi ko sa isip ko.

I tried improving and studying more para maalis ako sa section 3. I succeeded nasa section 2 ako ngayon. But I still have the same classmates. It's not that I hate them, wala lang kasi talaga akong makasundo sa kanila. Ilang beses na akong sumubok na i-approach sila pero wala talaga akong maka-vibes sa kanila.

Ano ba 'yan. Wala akong maka-daldalan.

Sa Grade 10, promise. Mahihiwalay rin talaga ako ng section sa kanila.

"Hello, Eunice. Classmates pala tayo ulit!" Masayang bati sa akin ni JC. Nakangiwing tumango ako sa kanya.

Isa siya sa mga dahilan kung bakit ayaw ko na sila maging kaklase. JC has been pursuing me since Grade 6. Matagal na nilang sinasabi na crush niya ako. Ilang beses ko na siyang ni-reject pero hanggang ngayon ay kinukulit niya pa rin ako. Akala pa nga ng iba ay kami na dahil hindi pa rin siya tumitigil sa pag-sunod sa akin.

Nagkaroon ng mga kulitan at daldalan ang mga kaklase ko dahil ngayon na lang ulit sila nagkita-kita ng mga kaibigan nila. It's a never-ending moment for me. May mga kausap pa ang iba tapos may mangangalabit sa kanila at magdadaldalan sila ng panibago ulit. Kamustahan doon, kamustahan dito.

I don't really get why my classmates are afraid to approach me. Lagi kong natatanggap sa mga first impression ay masungit. Palagi ko naman silang nginingitian.

Umayos na ako ng upo ko ng tumunog ang bell namin. Pumasok na rin ang adviser namin dahil buong araw ay homeroom lang kami since first day of classes pa lang naman.

After discussing the house rules and what things should we keep in mind now that we're in Grade Nine, our adviser allowed us to just do whatever we want. Ang iba sa amin ay lumabas, ang iba ay bumaba sa canteen kahit maya-maya pa ang break time at ang mga natira ay nandito lang sa loob ng classroom.

Nilabas ko ang book na binabasa ko ngayon at doon na lang itinuon ang pansin ko. Mabuti na lang at hindi na kami nagpalit ng officers. Same lang din ang mga na-elect from last year.

"Eunice," sitsit sa akin ng katabi ko. Ngumiti ako sa kanya pagkaharap ko.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo na parang kinikilig.

"Napanood mo ba 'yung volleyball game ng varsity natin? Ang gagaling nila 'no? Nag-champion sila sa Juniors Tournament kahapon pati na rin 'yung basketball team natin! Grabe talaga si De Veluz! Hindi pa natatalo 'yung school natin dahil sa kanya. Ang gwapo pa!" Mahabang litanya niya.

Hindi ko siya gaanong ma-gets dahil hindi naman ako gaanong nanonood ng sports. I prefer watching sitcoms or movies.

"Nanonood ka ba ng gano'n?" Nananantyang tanong nung isa sa akin. Nahihiyang umiling ako.

Yuna, The Love Expert (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon