Prologue

2.8K 123 52
                                    

Good afternoon, Yuna!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Good afternoon, Yuna!

I like this guy and nung sinabi ko po sa kaibigan ko yung pangalan at pinakilala ko sila sa isa't isa, suddenly sila na po 'yung magkausap. Now po siya na yung nililigawan nung lalaking gusto ko. Sa tingin niyo po, dapat ba umamin na lang ako at hindi ko na lang siya pinakilala sa friend ko?

From: ayawqna

***

In my opinion, ayos lang naman na pinakilala mo siya sa friend mo. Of course, friend mo 'yan e, you share your secrets and crushes. You cannot blame the guy kasi hindi naman niya alam na gusto mo siya, but your friend should've held back and stayed away. Much better if you'll have a talk with your friend to clear things up and if they truly like each other, it's okay. A better man will come that will choose you.

— Yuna


#YTLE

I felt sad by the previous confession. Ang hirap ng ganoong sitwasyon lalo na at kaibigan pa. I immediately copied the entry and posted it.

Binuksan ko na ang susunod na entry nang halos malaglag ako sa upuan dahil sa malakas na pagbukas ng pinto ng condo ko. Pumasok doon ang naka-kunot ang noong si Cath habang... naka-gown? Oo na, mayaman sila. Pero bakit kailangan mag-gown pupunta lang dito?

"I HATE HIM!" Nagdadabog na sabi niya, papunta sa pwesto ko. Para naman akong nanonood nang nagmo-monologue na bida sa isang k-drama.

"Sino?" Kuryoso kong tanong at sumubo sa cornflakes na dinner ko.

"Sino pa ba? E 'di si Alby!" Singhal niya sa akin at humalukipkip.

"Hindi ako kaaway mo rito ha," paalala ko sa kanya.

Sinipat ko si Cath na masamang nakatitig sa kawalan bago sinara ang laptop ko. Baka makita niya 'yung ginagawa ko. I was answering a follower's problem kanina nung pumasok siya. Napapikit ako kasi panigurado matatagalan ako sa pagsagot sa dami ng maiipon sa forms ko. Bahala na, magda-dahilan na lang ako na nawalan ng wifi.

"Ano bang ginawa niya?" Tanong ko nung hindi na siya nagsasalita.

"You know naman na kinasal 'yung cousin ko and cousin niya 'di ba? While we were at the reception, some guy was just talking to me kung sino 'yung kakilala ko sa kinasal when a waiter bumped into me. Muntik na akong bumagsak buti na lang nahawakan ako nung lalaki sa braso ko, then he suddenly showed up and towered over the guy! Glaring at him!"

"Okay, medyo oa si Alby doon pero, ano pang ginawa niya para umalis ka sa reception at dumayo dito?" Tanong ko. Umirap si Cath sa kawalan.

"He called the guy a bastos kasi nakahawak siya sa braso ko! He even shouted that I am his girlfriend in front of everyone!"

Yuna, The Love Expert (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon