#YTLE
Shit. I'm so tired.
My eyes are dropping because I still need some sleep. Sobrang intense ng training namin kahapon dahil sa papalapit na opening ng Junior's Tournament. Kulang pa 'yung tulog na nakuha ko kahit na pag-uwi ko ay natulog na lang ako.
"Nakita niyo ba 'yung dumaan kanina?" I heard my classmate say.
And my classmates' noise is not helping at all.
Tumingin ako sa pwesto nila na halos magkapalitan na ng mukha habang nakatitig sa bintana ng classroom namin.
"Sino?"
"'Yung maganda! 'Yung taga-section 3!"
"Ah! 'Yung Eunice 'yon ah! Nililigawan daw 'yon ni JC."
"Mukhang wala namang interes kay JC 'yon. Hindi ko nga sila nakikitang magkasama e."
"Daming may crush doon ah. Kahit mukhang mataray siya, maganda naman."
Sinubukan kong tanawin kung sino 'yung tinutukoy nila pero wala na yata 'yung babae. I'm just curious.
"Hello!" Biglang humarang ang isang babae.
"Hi," I replied, shortly.
"I'm Tine," she extended her hand, "and you're Javik, right?"
"Jare," I corrected her. Only close friends or family can call me Javik.
"Oh," she said.
"I want to be your friend!" Tuloy pa rin niya.
Tumango na lang ako para umalis na siya sa harap ko dahil gusto ko na rin talagang matulog kahit ilang minuto lang. I could feel that she was about to say something more but when I rested my head on my table, she didn't continue.
Nice. Nakaramdam din.
Kahit wala akong naiintindihan ng araw na 'yon, pinilit ko pa rin makinig. I still have to do better academically or else, I'll be kicked out of the team. Captain pa naman ako pero masama akong halimbawa sa mga ka-team ko kung sakali.
"Great game, guys!"
Naghiyawan kami sa loob ng bus pagpark pa lang ng service namin sa University. We won our first game today at kami ngayon ang nangunguna sa standings.
"Don't forget to rest and take a shower para sa party natin mamaya ha!" Paulit-ulit na sabi ni Coach habang bumababa kami ng bus.
"I want to bring my girlfriend," sabi ng isang ka-team ko. "Pwede ba, Cap?" Baling niya sa akin.
"Bakit ka sa akin nagtatanong?" I chuckled. "Nandoon si Coach kanina bakit hindi ka sa kanya nagpaalam—"
Napatigil ako nang may malakas akong nabangga. Agad kong hinawakan ang taong 'yon dahil masyadong malakas ang pagtama namin.
BINABASA MO ANG
Yuna, The Love Expert (COMPLETED)
Romans[Unrequited Series 1] Eunice Aina Facundo goes by the pseudonym, Yuna and was labeled as a Love Expert because of her page that gives free love advice. It was all because of her complicated love life. She was aware that being in a secret relationsh...