Malakas pa din ang ulan sa labas and i think signal number 3 na sa buong metro manila. Hindi ko na din nagawa pang icharge ang cellphone ko kasi nawalan na din ng kuryente. Hay, hindi ko na alam if ilang messages pa ang pinadala sa akin ni den kasi nga lowbat na.
Mabuti na lang may mga binili akong pagkain na ready to eat like cup noodles and bread kasi sa lakas ng ulan at baha sa labas, I'm sure gutom ang aabutin ko dito.
Nagulat ako sa malalakas na katok sa pinto ng apartment mo....
“Baby?” Hindi ako makapaniwala na makikita ko sya sa harap ng pinto ko, sabay yakap nya sa akin.
“God, I'm so worried!” sabi nya habang yakap ako ng mahigpit.
“Teka, pano ka nakapunta dito ang lakas ng ulan at baha?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“Dinala ko yung SUV para sure na hindi ako ititirik, come hindi ka safe dito, lets fix your things at dun tayo sa condo ko.
So wala na akong nagawa kundi ang mag ayos ng gamit at isure that all my things are intact kasi baka tumaas ang baha at magulat na lang ako na lumulutang na ang mga ito. Natatakot din naman ako dahil bukod sa walang kuryente eh ako lang mag isa dito. Kaya eto habang sakay kami ng SUV hindi ko maiwasan ang isipin ang nangyari kahapon. I think base sa nangyari kanina hindi pa din kami ayos.
“I'll just order some food, you can take a shower in my room and bring all your stuffs.” sabi nya sa akin habang nagdi-dial sa telepono sa sala.
Di ko mapigilan hindi mapanganga sa ganda ng room nya, iba talaga ang mayaman. Sabagay kahit noon pa man makikita mo na sa kanya na ibang sya sa karaniwan, mayaman sya mula ulo hanggang pa, kaya nga i really find him intimidating, pero ganun pa man sobrang down to earth pa rin nya.
Kumuha ako ng towel at gamit ko sa bag na dala dala ko at dumiretso na sa banyo. Wow! Mas malaki pa yata ang cr nya sa buong apartment ko ha. Grabe lang, hmmm.. After few minutes nag pasya na akong lumabas at baka maisip nya na natulog na ako sa loob.
“I was about to knock kasi ang tagal mo sa loob, kala ko napano ka na”, nakakunot ang noo nyang sabi sa akin habang inaayos ang gamit ko sa isang cabinet.
“Anong ginagawa mo?” takang tanong ko sa kanya. Hindi naman ako magtatagal dito para ilagay pa nya ang mga gamit ko sa closet nya.
“Baka madumihan pa ang mga damit mo, alam mo na pang mayaman yan” pabiro kong sabi sa kanya, na pinagsisihan ko bigla kasi nakita kong kumunot ang noo nya.
“Please, cant you stop that!di na ako natutuwa sa sinasabi mo.” galit nyang sigaw sa akin.
“If ok ka na, let's eat! Im starving” at iniwan nya akong tulala sa kwarto.
Great! Naiinis at napikon ko na naman sya. Hindi ko naman sinasadya na iniisin sya, pero hindi lang kasi ako sanay, before I was just a fan super crush ko sya at sya naman inis na inis sa guts ko, tapos nung nagkaroon kami ng relationship, I never really think na seseryosohin nya ako, di ba nga iniwan nya ako ng tatlong taon. Tapos pagbalik nya eto na, nakakalula lang kasi....
“I'm sorry”nakayuko kong sabi sa kanya habang kumakain.
“Hanggang ngayon kasi nalulula ako sa mga nangyayari. Ikaw ni hindi ka ba nag iisip na masyado mabilis lahat ng to? Di ka ba nabibigla na baka isang araw marealize mo na hindi mo pala deserve ang isang katulad ko lang?
“Kung sana sa loob ng tatlong taon nakalimutan kita siguro wala ako dito sa harap mo ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganyan ka negative ang tingin mo sa akin, im so disappointed na parang kulang pa ba na patunay na pagkatapos ng lahat ng nangyari binalikan kita? Na ikaw pa din?”
Hindi ko mapigilan hindi mapaiyak. He's hurt and I am hurting too, bakit kelangan maging ganito kacomplicated lahat.
Hinawakan nya ang mga kamay ko at nang tinangnan ko sya, nakita ko na umiiyak din sya. Gad, this man truly loves me and I am so stupid not to feel it.
“I'm sorry baby, this time i will trust you will all my heart.” yakap ko sya habang sinasabi ang mga salitang alam kong magpapagaan sa nararamdaman naming dalawa.
Nagulat ako ng bigla syang lumuhod at may kinuha sa kanyang bulsa. Hindi ko maiwasan na matulala.
“Will you marry me?” naluluha pa din nyang sabi sa akin.
“yes!Ikaw lang baby wala ng iba” at wala na akong pakialam kahit bumabagyo pa sa labas, kahit puno na nang luha at sipon ang mukha ko, as long as alam ko, this time magiging masaya na ako, sa piling ng taong pinakamamahal ko.
After naming kumain napagpasyahan namin na manuod ng movie sa room nya, magkayakap kami habang nanunuod ng notting hill, hahaha, sorry kasi lifetime fave ko yun eh, nakakarelate siguro, yung nga lang baligtad kasi si den ang sikat at ako yung ordinary na babaeng nagmamahal sa kanya ng sobra!
“What are you thinking?” tanong nya sa akin na nakakunot ang noo.
Hai grabe tong lalake na ito, mind reader?
“Bat mo naman nasabi na may iniisip ako?nanunuod kaya ako ng movie.
“Yung mata mo nakatingin sa tv pero isip mo lumulutang, kung may balak ka takasan ako wag mo na ituloy kung ayaw mo itali kita sa kama.” nakangiti nyang sabi.
Grabe ang kagwapuhan ng lalakeng to, lahat sinalo.
“I love you, baby” todo ngiti kong sabi sa kanya.
Nagulat ako ng bigla sya umiwas ng tingin at manula.“Hahaha your blushing baby!”
“I'm not! Masyado lang akong engross sa pinapanood natin”
“Thank you for everything!”