“Pauwi ka na?” Nagulat ako nang magsalita sya salikuran ko.
“Ai Sir ikaw pala yan, sorry po hindi kita napansin” hinging paumanhin ko sa kanya. Hinahanap ko kasi ang cellphone ko sa bag kaya hindi ko napansin na kasabay ko pala sya sa elevator.
“Stop that sabi ko diba?”mejo inis nyang sabi sa akin. Napakunot ang noo ko kasi hindi ko nagets ang sinasabi nya.
“What?” tanong ko sa knya
“Stop calling me sir.”
“Ah. Ok sorry.”
“Pauwi ka na ba? Sabay ka na sa akin.” Pinindot nya ulet ang button ng elevator para hindi ako makababa.
“Malapit lang naman ako si-,” Pero pinutol nya ang pagsasalita ko.
“Isa pang sir mo hahalikan na talaga kita” At feeling ko namula ang buo kong mukha
“Di ba sa The Rage ka umuuwi?”Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yun.
“Sorry, nagbasa kasi ako ng 201 file ng mga department heads and i saw na dun ka din pala nakatira.” nakangiti nyang kwento.
'rin?” naguguluhan ako.
“I am also staying there, unit 919” Natulala ako sa sinabi nya. 919, im staying at unit 918, ibig sabihin magkatabi kami ng unit?!
“Since when are you staying there?” I asked him trying to assess things.
“Actually I bought that a year ago. Kahapon lang ako lumipat.” He really had this dimple at the side of his lips when he is smiling.
“Earth to bern” Nagulat ako nag bigla syang nagsalita.
“W-what were you saying?” tanong ko sa kanya sa pagkabigla, hayyyy at kelan ka pa natulala sa dimples bern!.
“Sabi ko kung kumain ka na ng dinner?, ok lang ba kumain muna tayo before tayo umuwi.” At dahil nakaramdam na din ako ng gutom, tumango ako sa kanya. Mamaya na lang siguro ako ang mga tanong sa isip ko. Gutom na ako eh.
“San mo gustong kumain?” tanong nya
“Kahit san puede. Di naman ako mapili eh.” dati nga sa turo turo lang eh. Choosy pa ba ako. hehe
“Japanese Restaurant?” Nakatingin ako sa labas ng kotse habang naghahanap ako ng parking.
“Yup! Fave ko kasi yan, O sorry, ok lang ba sayo dito or gusto mo sa iba? Nagpapanic nyang tanong sa kin.
“No, ok lang..may naalala lang ako.” napayuko ako. Not now please.
“Are you ok?” nag aalala nyang tingin sa akin.
“yah. Of course, tara na”. Hindi ko na sya inantay na ipagbukas ako ng pinto.
“Reservation for MR. Martinez ”wow ha, may reservation talaga, parang sigurado talaga sya na kakain sya dito tonight.
“What do you want to eat?” tanong nya sabay tingin sa menu.
“I'll have tongkatsu, ramen, california maki and red iced tea.” matagal na panahon na hindi ako kumain dito. Hindi sa hindi ko afford, ofcourse kaya ko na pero sa tuwing kumakain ako dito, ang daming bumabalik na ala ala sa akin.
“I'll have the same.thank you” sabi nya sa waiter.
Weird. Bakit pareho ba kami ng taste bud. Naalala ko nung una kong dinala si denver dito, hindi ko alam na hindi pala sya mahilig sa japanese restaurant kaya nagulat ako ng sabihin nya na ako ang mag order ng pagkain nya. Kahit ano basta daw masarap para sa akin, malamang masarap na din yun para sa kanya. Napangiwi ako habang naiiling.
“Are you ok bern?” tanong nya sa akin. His eyes. They have the same eyes.
“Yup, i just remember something...”
“Something or someone?, ex??”nanunudyo nyang biro sa akin.
“Nothing important.” Sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko. Ayokong pag usapan, ayokong maalala. Natahimik na sya so inisip ko na lang na siguro naintindihan na nya na ayaw ko nang pag usapan pa yun.
Nagulat ako sa biglang pagring ng phone nya
Wanted.by boyce avenue.
Namutla ako.pati ba yun pareho sila.
“Im sorry I need to answer this.” Hinging paumanhin nya. Tumango lang ako.
“Yes trish, yes..” nakatingin sya sa akin habang kinakausap si trisha.
“Im good. Dont worry, yah i will.” nanitili syang nakatitig sa akin.
“I love you.Bye”, Nagulat ako, napayuko ako na kunwari may tiningnan sa cellphone. Nag iloveyou sya kay trisha habang nakatingin sa akin.weird. Sila pala.
“Enjoy your meal sir,mam” sabi ng waiter ng madala nya ang order namin. Parang nawalan ako ng gana, sila pala ni trisha.
"Kala ko gutom ka?, bat d mo ginagalaw food mo?" tanong nya.
"Medyo napagod kasi ako ngayong araw."nagsimula na din akong kumain. I dont think it's good to act this way. Weird sobra lahat ng nangyayari. Pero imposible naman ang iniisip ko. Si denver suplado, sya palangiti, si denver...teka bakit ko ba sila kinocompare.. Erase erase.....nagulat na lang ako dahil sa bigla nyang pagtawa.
"Sorry, i am just amaze on how you eat." napasimangot ako.
"Fine! Alam ko matakaw ako, eh so what, atleast di ako tumaba" tumatawa kong sabi sa kanya.
"I can see that. You are so thin" sabi nya habang humahagalpak ng tawa.
"Slim is the right term for that, alam mo para kang si denver, palagi kasi nya sinasabi na payatot ako pero ang laka-" napahinto ako sa pagsasalita.
"denver? Boyfriend mo?" Nagtatanong ang mga mata nya.
"Hindi.ah. Di sya importante". Nakita ko na bahagya sya yumuko.
"You done?"nagulat ako ng bigla sya nagsalita matapos ng ilang minuto nyang pananahimik.
"yah, salamat sa dinner." nakangiti kong sabi sa kanya. Gusto kong maging light ulet ang usapan namin. Hindi naman ako dapat mag inarte sa nalaman ko di ba?
"welcome, im happy to see you." And he smile at me.