chapter 7 happy

10.2K 258 5
                                    

Masaya naman ang naging experience namin sa retreat na yun, marami kaming natutunan sa buhay na hindi natin usually natutununan sa eskwelan.

Pero doble ang mas naging happiness ko kasi since that night, feeling ko hindi na ako hiniwalayan ni denver kahit saan ako magpunta. He is too sweet na nakakaumay na sa kakiligan, alam mo un?!!hehehe.

Minsan naisip ko ano kaya ang nakain nya para maging ganito sya sa akin samantalang halos i give up na ako sa feelings ko sa kanya? Katulad ngayon habang pauwi kami sakay ng bus, nakahilig sya sa balikat ko at hawak nya ang kamay ko habang sabay kaming nakikinig sa ipod nya. Hayyyy, ang sarap ng feeling na katabi mo ang taong nagpapabilis ng tibok ng puso mo di ba? Pero may sasarap pa ba kung ang taong un ay hawak hawak ang kamay mo?

Pero natatakot ako kasi naisip ko lang kung hanggang kelan kaya yun. Baka kasi pagbalik namin sa university, back to normal na rin ang pagiging suplado nya sa akin.

“Bakit ganyan ang mukha mo?” nagulat ako kasi nagising na pala sya at kasalukuyang nakatitig sa mukha ko.

“Wala naman” sabay ngiti sa kanya. Ayokong mag isip ng negative sa ngayon, sobrang saya ko para isipin pa ang bukas. Hindi ko kasi alam if ano ang mararamdaman ko sakaling bumalik kami sa dati. Naisip ko palang yun naiiyak na ako.

“Ill be very busy next week kasi may practice na ang team.” sabi nya sa akin habang inaayos namin ang bag namin at bumababa ng bus.

Sabi ko na nga ba.Hay, back to being strangers na kami.

“Nakikinig ka ba sa akin?” nagulat ako sa tanong nya sa akin.

“Tsssss! Kanina pa ako salita ng salita pero hindi ka nakikinig.”Inis nyang sabi sa akin.

“A-ano ba yun?Wag kang mag alala, hindi naman ako nag a assume na dahil lang sa retreat na ito eh close na tayo di ba? Dont worry hindi kita lalapitan at kukulitin sa school, I'll behave.  I'll just forget what happened here.” Sabay talikod ko sa kanya.

“What the fuck!!!!!” Sigaw nya sa akin sabay hablot sa braso ko. Nakita ko na nanlaki ang mata nya pagkita nya sa luha sa mga mata ko. Yes, sorry cant help but cry, mamimiss ko kasi kung ano man ang merun kami dun. I know it's over.

“W-why are you crying? Are you ok? Wait may nasabi ba akong mali?Could you please tell me whats bothering you? Kasi hindi ko maintindihan bakit ganyan ka.

“Wala to! Don't worry bout me.” sabay ngiti ko. “Sige na gabi na baka mahirapan ka pa sumakay pauwe.” Gusto ko na syang itaboy, hindi ko na kasi alam paano ko pa pagtatakpan sa kanya ang nararamdaman ko.

Pero nagulat ako kasi bigla nya akong niyakap at hinalikan sa noo.

“Stop crying! I don't want to see you crying” I can sense his sincerity upon telling me those words.

- -

Its been 2 weeks since we had the retreat at dahil malapit na ang university week irregular na ang classes at syempre irregular na rin ang pagkikita namin dahil sa practice nila sa basketball. Since that night na hinatid nya ako sa apartment ko hindi pa kami nagkikita. Hay nakakamiss, sobra pero somehow siguro kelangan ko din ng space  to figure things out. Para kasing ang bilis ng mga pangyayari. Basta na lang naging sweet sya sa akin at parang ok na kami na ewan if ano nga ba ang status naming dalawa.

“Hi!” nagulat ako sa bigla nyang pagsulpot sa harap ko.

“ H-hi! Wala ka ng practice?” nabubulol ko pang sabi sa kanya. Grabe kasi ang effect sa akin ng lalaking ito kaya naman sobrang natetense ako pag nasa harap ko na sya.

“Tapos na, miss me?” Nakangiti nyang tudyo sa akin. Seriously, si Denver Aiden Castro nakangiti sa akin na parang nanunukso. Hahahaha.

“Sira ka talaga!” ganting biro ko syempre di ko alam kung ano ang sasabihin ko o tamang isagot sa tanong nya di ba?

“Bakit parang speechless ka na ngayon, dati rati ikaw ang palaging nagbo broadcast ng feelings mo sa kin. Anung nangyari sa pa babe babe mo dati?” sabay ngisi nya.

Pasaway talaga sya, hindi ko na nga alam ano tamang ireact tapos hindi pa sya tumitigil sa kakatukso

“Fine, I miss you...tumakas ako sa practice ko to see you, hindi ka kasi nagpapakita sa gym kaya naisip ko na puntahan ka na lang dito.” Naka pout nyang litanya na talagang ikinagulat ko.

Dapat ba akong matuwa sa sinasabi nya mabingi na nga ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko...pero kelangan malaman ko talaga if ano yung totoo

“Ui denver, wag ka nga ganyan, hindi naman ako nakikipaglokohan sayo ha? If pinagtitripan mo ako pwede wag naman, alam ko dati madalas na binibiro kita sa harap ng ibang tao pero hindi naman siguro sapat yun para pagtripan mo ako..sorry kasi ----” Di ko na naituloy ang sinabi ko ng bigla syang sumigaw.

“Fuck!, ganyan ka ba talaga? Ganyan ba kababaw ang pagkakakilala mo sa akin?Yan ba talaga ang tingin mo sa akin ha? PINAGTITRIPAN????, shitttt!!!! hindi ko iiwan ang practice ko ng ganun ganun kahit pagalitan ng coach ko kung gusto ko lang magtrip!!!!, useless naman pala ang effort ko dito eh!” at iniwan na nya akong nakatulala.

my untamed wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon