chapter 16- im breaking up

9.4K 237 3
                                    


Sabi nila in every relationship marami kayong pagdadaanan na mga ups and downs that will your relationship even stronger. In the past months naging smooth sailing naman lahat, walang away, walang kahit anong problema, until one day..

“Bern????” Nagulat ako sa sigaw ng isang lalaki sa lobby while im on my way to the elevator and waiting for Den. Nakakunot ang noo ko kasi hindi ko sya kilala pero mukhang kilala nya ako base sa expression ng mukha nya.

“Di mo ako nakikilala? Jeff Faustino? Kulas” nakangiti nyang banggit ng pangalan nya na kinapula ng mukha ko.

“KULAS????!” OMG ikaw ba yan????” sabay yakap ko sa kanya. Wow just wow, kababata ko sya at napakatagal na ng huli kaming magkita.

“Kamusta ka na kulasa?” nakangiti nyang sabi sabay gulo ng buhok ko.

“Ano kaba, wag ka nga!” iwas ko sa kanya. Namiss ko sya ng sobra, naalala ko bigla lahat ng kalokohan namin ng elementary at high school, pulos talaga kami kawirduhan noon.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya, pormal kasi ang damit nya at mukhang mag oopisina.

“First day! Hehehe” pagmamabang nya sa akin.

“Lika na baka malate ako sa first day ko, san ka ba dito?” Tanong nya sa akin, habang pinipindot ang elevator.

“7th floor ako, accounting, Sige good luck ha, sa IT ka ba?” tanong ko sa kanya habang hawak ang braso nya.

“Yup, alam na, see you!” and he kiss me on cheeks sabay baba sa 2nd floor. I know na isa syang magaling na IT base na rin sa kahusayan nya sa paggawa ng mga programs before. Dati, wala akong problema sa math, science at computer  subjects ko dahil sa kanya, he is my bestest friend kung iyon nga ang tawag dun.

Naputol ang pagmumuni muni ko ng tumunog ang elevator sa 7th floor.

O Shit!, si den. At bigla na lang bumukas ang pangalawang elevator at lumabas ang walang kangingiting si denver.

“Baby sorry, hindi kita maa-” pero iniwanan nya na ako at hindi na inantay ang sasabihin ko. Nagulat ako ng bigla na lang binalibag ang pinto ng opisina nya.

“Shettt! Nakita nya siguro, paktay kang Bern ka!” sisi ko sa sarili ko. Hindi ko naman sinadya na iwanan sya sa baba. Hindi ko lang kasi inexpect na magkikita kami ni kulas.

Hindi ako mapakali sa opisina ko habang ginagawa yung report ko. Ilang beses ko na sya tinawagan at tinext pero hindi naman sya sumagot o nagreply man lang. Kelangan ko siguro syang puntahan.

Dali dali akong lumabas. At pumunta sa opisina nya.

“Hi! Is Den around?” Bati ko sa secretary nya.

“Ma'am kanina pa po sya umalis, mga 30 mins po after nya dumating, medyo mainit nga po ang ulo eh”

“Ganun ba?, sige salamat.” Hindi ko maiwasan na hindi magtampo. Ganun ganun nya lang akong iwasan, ni hindi nya pa nga inalam kung ano ang paliwanag ko diba? Fine, palilipasin ko na lang muna siguro ang init ng ulo.

Hindi na din ako nakapagtrabaho ng maayos, almost 5pm na pero sabi ng secretary nya hindi na sya ulet bumalik ng opisina. Ok nakaoff na ang cellphone nya, hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko. Saan ako uuwe? Sa condo ba  nya? Hindi na muna siguro, uuwi muna ako sa apartment ko, ayoko salabungin ang init ng ulo nya.

“Kulasa!” gulat ko sabay hatak sa akin ni jeff.
“Pauwi ka na?” hindi pa rin maalis ang ngiti nya.

“Oo eh” Tipid kong sabi sa kanya.

“Dinner?” nanlalaking mata na sabi nya, alam nya kasi ang witness ko, food kaya naman halos alam nya na hindi ko sya tatanggihan. Pero hindi ko alam bakit parang hindi ako mapakali, kasi siguro hindi kami ok ni Den.

“Sige ba!” sabay akbay nya sa akin at para ng taxi, bahala na. Kelangan ko muna siguro palamigin ulo nya. Usap muna kami ng kulas na ito.

Mga halos 9pm na kami natapos sa dinner dahil na din sa hindi matapos na kamustahan at kwentuhan, at pag rereminisce ng mga kalokohan namin noong araw. Ang saya lang balikan. Hinatid nya ako sa apartment kahit na nagpumilit ako na kaya ko mag isa.

“Thanks for the dinner” Paalam ko sa kanya.

“Namiss kita kulasa ko.” sabay yakap nya sa akin at halik sa noo ko.

“Sige na baka gabihin ka masyado, Ingat ka.” Pilit ko sya pinasakay sa taxi kahit nagpupumilit pa sya magstay.

Napailing ako habang kumakaway sa kanya. Hay, ok masaya naman, except for one. I try to look for my phone inside my bag kung may text, kahit isa, pero wala. Kaya nya akong tiisin. Okey, at nakatulugan ko na ang pag iyak.

Masama ang pakiramdam ko pag gising pero pinilit ko pa din bumangon, when I check my phone feeling ko mahihimatay ako sa kaba ng makita ko na may message si den sa akin. Nagmamadali akong buksan yun pero tuluyan na namang pumatak ang luha ko.

From Baby: IM BREAKING UP WITH YOU!

Sent 2:00 am

Great day! What a very great way to start diba? Makabasa ka ba naman ng text ng boyfriend mo, or shall i say ex boyfriend na since nakipag break na sya, ano pa bang ganda ang kakailangan mo di ba?

Saya. Pero dahil professional akong tao at hindi kailanman dapat pagsamahin ang trabaho sa personal na buhay, pumasok pa din ako, kahit na nga ba halos maubos ang concealer ko sa pagtatago ng mugto kong mata na feeling ko naging useless sumige pa din ako.

“Is your boss around?” tanong ko sa secretary nya, Dito ako dumiretso kasi wala eh, kelangan ko pa din kasi ibalik yung engagement ring ko.

“Ma'am kasi di po-” di ko na inantay ang sasabihin pa nya, dumiretso na ako sa opisina nya.

“Sabi ko ayoko ng istorbo diba????!!” sigaw nya habang nakayuko sa table nya. Hindi ako kumibo, yung damit na soot nya yung ang soot nya kahapon, base sa amoy, amoy alak sya, nag angat sya ng tingin ng hindi ako nagsalita.

Nagkatinginan kami. I saw the pain in his eyes, shet eto na, iiyak na naman ako, pucha naman! Hindi ko kasi mapigil eh.

“What do you want?” malamig nyang sabi sabay baba ng tingin.

“Isosoli ko lang engagement ring.” Sabay lapag ko sa singsing.

Nakita ko na naman ang sakit sa mga mata nya. Hindi sya nagsalita, basta na lang sya nakatitig sa singsing na inilagay ko sa table nya.

Hindi na ako makatiis. Siguro eto na din yung huli naming pag uusap, might as welll sabihin ko na lahat ng sama ng loob ko.

“Hindi ko itatanong sa yo kung bakit ka nakigbreak kasi mukhang dahil yung sa nakita mo kahapon at sa walang pakundungan mong pag judge sa pagkatao ko. Hindi ko ipapaliwanag ang sarili ko kasi hindi mo yon kahit minsan hiningi. So bakit pa? Di ba? Salamat, simula noon, hanggang ngayon ang dali mong husgahan ako. Simula umpisa, galit ka sa akin kasi flirt ako, malandi, pumapatol sa kung sino. Hindi ko yun nabago at sa palagay ko, hindi ko yung mababago.” Nagpapasalamat ako sa katatagan ng boses ko at hindi ko pag iyak, shet! Ubos na ata luha ko sa lalaking to.
Pero kahit anung tigas ng puso ko ngayon, nawala yun ng nakita ko syang umiiyak.

“Nagseselos ako, niyakap ka nya. Hinalikan ka nya sa noo, nakita ko kung papaano ka napasaya ng simpleng pag yakap na yun. Kumain kayo, masayang masaya kayo. Nagselos ako, sobrang nagseselos ako.” umiiyak sya habang nakatingin sa singsing.

“Did i ever make you smile like that? Did i ever make you laugh like he did?”

“Mabilis akong nakipagbreak sa text kasi kala ko aawayin mo ako, pero shettt! Fuckin shettt kahit isang text wala, tapos ngayon isosoli mo na sa akin to.” Reget in his face.

“Hindi ba ako pwedeng magsorry?, hindi ba pwedeng nabigla lang ako kasi nagseselos ako, hindi ba puedeng awayin mo muna ako, kasi yung naman dapat, bago mo ako bitawan? Hindi ko na halos maintindihan ang sinasabi nya dahil sa pag hikbi nya.

“Luluhod ba ako ngayon para sa ikatlong pagkakataon ko?”

“O hindi mo naman na yun ibibigay, coz I dont deserve the fuckin bit of it?”

my untamed wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon