Hindi ko na kaya, lumapit na ako sa kanya at niyakap sya. Gad!!! if there's one person who can make me and break me sya na yun. Wala ng iba. Hindi ko kayang itago ang nararamdaman ko sa kanya, mahal ko sya, mahal na mahal, noon hanggang ngayon.
“Tama na, wag ka nga umiyak! Nababawasan ang kagwapuhan mo!” Pilit kong pagpapakalma sa kanya kahit halos naiiyak na din ako dahil sa higpit ng yakap nya sa akin. Ramdam ko na hindi nya talaga ginusto na makipagbreak sa akin, ramdam ko na nasaktan sya at nag sosorry sya sa nangyari.
“Im so sorry baby!” humihikbi pa din sya habang yakap ako sa bewang ko.
“It's alright, bati na tayo, pero sa isang kundisyon” Nagulat sya sa sinabi ko at napaangat ang tingin sa akin.
“Maligo ka muna? Baby ang baho mo na ha? Di ka na gwapo.” Biro ko sa kanya.
Hindi nya maiwasan mapangiti dahil sa sinabi ko, nagulat ako ng bigla nya ako hilahin para mapaupo sa lap nya at kinuha nya ang singsing, para isuot ulet sa akin.
“Promise me, hindi mo na ito huhubarin”pakiusap nya sa akin.
“Ay, d ako mangangako, eh papano pag need ko mag cr, hahaha” Natatawa kong biro sa kanya.
“Baby naman eh, please. Amuin mo din naman ako minsan kasi nagtatampo din naman ako, naghahanap din ako ng assurance na kahit sino pa ang yumakap at humalik sayo ako pa din ang mahal mo.” nakanguso nyang sabi sa akin.
“Mahal kita, hindi pa ba assurance na sa araw araw eh suot ko ang singsing na nagsasabi na taken na ako?”
“I'm sorry for being a jerk, Im just so jealous baby.”
Hindi ko maiwasan na pangiti. Hay ang lalaking sobrang macho at suplado eto sa harap ko umiiyak habang nagsosorry. Hindi ko alam if deserving ako ng pagmamahal nya pero randam na ramdam ko kung gaano sya natatakot na mawala ulet ako sa buhay nya.
“Jeff is just a friend baby, bestfriend ko sya mula elementary hanggang nag high school kami, wala kaming relasyon more than that. Ok?” paliwanag ko sa kanya.
“Close kami kasi sa dami ng pinagdaanan namin, pero baby he's already happily married at may 3 anak, alam mo ba na inaanak ko sa binyag yung panganay nila?”
Nakanguso pa din sya habang pinapaliwanag ko sa kanya lahat.
“Ikaw naman kasi, nag wo walk out ka agad, di mo man lang pinakinggan paliwanag ko, lalasing lasing ka tapos makikipagbreak ka hindi mo naman pala kaya...”Naiiling kong sabi sa kanya.
“Nagselos nga po eh, alam mo naman na ganto na ako noon pa, pagdating sayo, possessive ako masyado” Nakanguso nyang paliwanag sa akin.
“Nagsisi naman ako agad nung nasent na yung message eh, halos ibalibag ko nga yung cellphone ko para wag lang yung magsend. Inexpect ko na magrereply ka at magagalit, pero hindi mo man lang pinansin text ko.”
“Trust me baby, please. I love you at wala na akong iba pang mamahalin kundi ikaw nalng.”
“Promise?” nakangiting tanong nya sa akin.
“Promise.” sabay yakap nya sa akin.
“Baby?”
“Hmm?” nakapikit ang mata ko habang inaantay ang sasabihin nya.
“Pakasal na tayo please, kahit civil lang muna.”Bigla akong napatingin sa kanya.
“Seryoso ka?”tanong ko sa kanya,
“I've never been damned serious, Ayoko nang mawala ka pa.”
“Ok” nakangiti kong sagot sa kanya.
Nagulat ako kasi hindi nya yata naintindihan agad yung sinabi ko.
Natawa ako ng bigla nanglaki ang mata nya dahil narealize nya na din siguro na pumayag ako sa gusto nyang mangyari
“OO??!!, pumapayag ka na?! Hahahahaha, promise baby?! Wala ng bawian ha.”Tuwang tuwa sya habang nakayakap sa akin.
Assurance lang naman talaga ang kelangan namin sa isat isa diba? So eto na nga siguro ang pinakamagandang solusyon para maging maayos na ang pag sasama naming dalawa. We need to get married as soon as
possible.....