I didn't know where he went... basta iniwan nya lang ako dito without even thinking kung ok lang ba..hayy bern what do you expect...ininis mo sya di ba???haisst! Nilalamok na nga ako at gutom, wala pa akong kinakain since naglunch kami at gutom na talaga ang mga anaconda ko sa tiyan..
Hindi ko alam if may pagkain sya sa bag nya at ayoko din pakialaman at baka masigawan na naman ako.
“Bern, kain tayo!” sigaw ng classmate naming si paul...so tumakbo na ako palapit sa kanya since gutom na talaga ako.
“Asan c trisha?” I asked him since sila ni trisha ang magpartner.
“Dont know, I saw her kasama si Den kanina eh”, upon hearing it from him para akong tinusok ng maliliit na karayom sa dibdib.
Oo nga naman, syempre mas importante ang bestfriend. Sino ba naman kasi ako sa buhay nya di ba?
“Kain na!” sabay subo sa akin ng chicken barbeque.
“Thanks! Sabay subo ko at sinabayan ko na sya kumain. Tawa ako ng tawa ng magkwento sya about sa naging thesis nila sa dymanics. Halos mangisay ako habang kinukwento nya sa akin kung papano napahiya ang prof namin habang nag de defense sila.
“ Di ko na pala kelangan maghanap ng pagkain para sa kanya trisha kasi mukhang busog na busog na sya!”
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni trisha at den sa harapan namin.
I compose myself first at nilingon ko si trisha. “Kain na trisha” without even glancing at him.
“Paano Paul, salamat sa masarap na hapunan at masayang kwentuhan. Balik na ako sa tent! Bye Trisha
And i walked away! Ive no time for drama now. Masakit ang kamay ko at puso ko..He left me alone kasi sumama sya sa bestfriend nya.
“I guess useless na din tong pagkain na to!” bulong nya pero naririnig ko naman. I looked at him. Nakanguso sya habang nilalagay sa plato ang mga pagkain na nakaplastic. Ang gwapo talaga ng lalaking to....kahit na nakanguso, iba pa din ang dating
“Saan ba kayo kumain ng bestfriend mo? Sana di ka na nag abala pa magtake out.” Sabay tingin ko at ngiti sa kanya.
“ Hindi pa ako kumakain, bumili lang ako ng pagkain natin, kasi akala ko...nevermind! Fuck!” inis nyang sabi.
“huh? Di ka pa kumakain?eh di ba magkasama kayo ni trisha?
Nagulat ako kasi hindi naman sya nagsabi na antayin ko sya kasi di ba nga bigla na lang sya umalis ng walang paalam.
“I bought some pork barbeque kasi hindi puede sayo ang chicken kasi malansa diba. May sugat ka sa kamay” I saw he looked away while telling me this.
I was shocked. Tiningnan ko ang mga mata nya pero umiwas sya.
“Why?” tanong ko.
“Anong why?” nagtataka sya marahil sa tanong ko.“Ammm... wala..kain ka na.” ayokong magtanong, ayokong mapahiya. Ayokong mag isip na totoo ang concern na nakikita ko sa mata nya ngayon, imposible!
“Wala na akong gana, bumili ako ng gauze at betadine, linisin mo ang sugat mo before matulog” kinuha nya ang gitara nia at nag umpisa ng mag strum ng ewan ko if fave song sya to “wanted”. Awwt
“Kumain ka muna babe....baka pumayat ka nyan sige na!” sabay abot ko ng plato na nilagyan ko ng rice at barbeque.”
“tsss!” sabay irap at strum ng gitara nya.
“Sige na susubuan kita sige ka! Say ahhhh” sabay subo ko sa knya ng kutsa.
Nagulat ako sa biglang pamumula nya as if naman hiyang hiya sya sa ginagawa ko.
“ Fine! ako na. Wala naman akong sakit para subuan.” Lihim akong napangiti habang ganado syang kumakain.
“Nilinisan mo na ba yung sugat mo?” tanong nya pero di sa akin nakatingin“Nope, maya na lang.” kumunot ang noo nya sa sagot ko.
After nyang kumain at nalinis na ang table, bigla nyang hinila ang kamay ko at pinaupo sa loob ng tent.
“B-bakit?” kinakabahang kong sabi, kasi naman ganto kalapit, kinakabahan ako. Iba talaga ang epekto ng hawak nya eh.
“Linisin ko yung sugat mo” balewalang sagot nya.
Nagririgodon na ang mga paruparo sa tiyan ko sa lalaking ito. Hayyyyy sabihin mo sa akin yung totoo inlove na kaya sya sa akin.hahahha
“Bakit ka nakangiti?” nagulat ako dahil nakatingin pala sya sa akin.
“Wala naman..parang bait mo kasi eh, full moon ba?” kumunot sya sa sinabi ko.
“Kasi hindi mo ako sinusungitan eh, hindi mo ako kinakausap ng less than 3 words at hindi mo lang ako tinitingnan ng less than 3 seconds” sabay tawa ko sa kanya
“I don't want you to get hurt, so be careful next time.” Balewala nya sa mga sinabi ko.
Napanganga ako kasi hindi ko inexpect na maririnig ko yun sa kanya.....