I asked Manang Pearl kung napansin nya si Denver and she said na umalis ito ng maaga para dalin ang twins sa parents nya. Birthday ni Mommy Del ngayon at nagpromise kami na isasama nila ang twins sa pamamasyal. Last night I decided to sleep in our room, I left all my luggages and just hug a pillow. Pagod ang katawan at isip ko kaya hindi ko na naramdaman kung tumabi si Denver sa akin sa kama namin. When I wake up, I just find myself under the sheets at alam ko na sya ang nagkumot sa akin. I wake up na masama pa din ang pakiramdam. I need to talk to her. I need to know the truth.
"Manang aalis lang po ako. If hahanapin ako ni Denver pakisabi po na may bibilhin lang ako." I said to her while fixing my bag.
"Anak, may problema ba kayong mag asawa?" Hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya.
"Pasensya ka na. Ayaw kong makialam sa inyo, nakita ko ang hapis sa mukha ng asawa mo kanina, pinipilit nyang maging masaya pero nakikita ko na malungkot sya. Nakita ko din na nasa baba sya kaninang madaling araw at umiinom ng alak." Nakikita kong nag aalala sya sa alaga nya, He's been with Denver for years now at alam kong sya na ang nag alaga sa kanya kaya nga nang bumukod sya sinama nya si Manang Pearl sa kanya."Manang, nagkasagutan po kami kagabi. May hindi po pagkakaintindihan." Paliwanag ko sa kanya.
"Alam mo anak, sa buhay mag asawa, hindi maiiwasan na magkaroon ng tampuhan at argumento. Pero sana mag usap kayo. Hindi maayos yan kung basta na lang kayo bibitiw sa pangako nyo na magiging isa kayo habang buhay." Payo nya sa akin. Hindi ko maiwasan na hindi sya yakain.
"Aayusin ko po to Manang. Sorry po."
"Wag kang humingi ng sorry, alam kong pareho kayong may mali dito." Sige na lumakad ka na at baka maya maya dumating na ang asawa mo.
..............
I Saw here sitting at the side table beside the window. This is it, wala ng atrasan. I just pray na lahat ng maririnig ko sa kanya ay tama at totoo.
"Hi." Bati ko sa pinakamalamig na paraan.
"I ordered for us, ok lang ba?" tanong nya sa akin. I can see that she didn't have a good sleep either.
"Bern, I want to apologized for what happened in Den's office." Pagsisimula nya.
"You are pregnant. Sino ang ama?" Diretso kong tanong sa kanya. Ayoko nang magpaligoy ligoy pa. She was tensed. Kumakabog ang dibdib ko sa bawat segundo na maari nyang sabihin ang totoo.
"I guess hindi ko na kelangan pa itago to sayo. You will know soon" nakatingin sya sa tasa ng kape sa harapan ng table namin.
"Wag na tayong magpaligoy ligoy pa Trisha! Is denver the father of your child?!" Halos hindi ko mapigil ang sarili ko na mapasigaw.
"What?!!! NO! What made you think that?" Nagulat sya sa sinabi ko. Gulat na gulat. Nanghina ako habang hindi ko alam ang susunod na sasabihin ko. Fuck nagkamali ako.
"Bern, wala kaming relasyon ni Denver, please believe me, sobrang mahal na mahal ka ng taong yun para makaisip sya na mambabae." Paliwanag nya sa akin.
"May kasalanan ako, dapat hindi ko sya pinakiusapan na huwag munang ipaalam sayo na buntis ako."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya, Why the hell she need to do that.
"Si Marc. He is the father of my child." Diretso nyang sabi na ikinalaki ng mata ko. Oh my God!
"I know you are friends with him right? I am too...at ayokong malaman nya na buntis ako. Im sorry if i messed up." Naiiyak na sya sa harap ko.
"I tried to talk to Denver para humingi ng payo, One week ago ng malaman ko na buntis ako, hindi ko maiwasan na matakot. Marc is getting married, ayokong makagulo." She said while sobbing.
I don't know what to say. I was too shock. Denver is lying, and Marc is having a baby with Trisha. Oh I can't absorb it.
"Please Bern, nakikiusap ako na sana wag mo sabihin kay Marc to." Pakiusap nya sa akin.
"He deserves to know the truth." Yung lang ang nasabi ko.
"But then your the mother, sana mag isip ka din, this isn't just you anymore. Think what is best for your child. Marc is a good man Trisha." I said it to her while thinking kung ano ang gagawing kong pagbawi sa asawa ko. Gosh! I messed up big time.
"Sorry for what happened sa office. Sana maintindihan mo na nagulat ako na nakayakap ka sa asawa ko tapos yung asawa ko parang gulat na gulat na makita ako." Paliwanag ko sa kanya at hingi ng pasensya.
"I understand Bern, ganun din siguro gagawin ko kung ako nasa katayuan mo, pasalamat pa nga ako hindi mo ako basta kinalmot at sinabunutan." Nakangiti na sya
Napatingin ako sa likod at nakita kong humahangos si Marc.
"Trisha!" She was terrified at kahit hindi sya lumingon ay mukhang alam na nya kung sino ang nasa likod nya.
" I think i need to go. May kelangan din akong ayusin Trish" Baling ko sa kanya.
"Doc Marc, please take care of my good friend here alright?" I smiled at him give him a tap in the shoulder.
"With all my heart Bern. Take care." And i wave good bye to the both of them.