chapter 8 kiss

10.1K 278 2
                                    

I know i messed up things. Alam ko naman na masyado na akong nag over react sa mga nangyari at masyado ko syang hinusgahan. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko para humingi ng sorry sa kanya. The university week is already starting at busy na ang lahat sa mga games and activities. I don't think pwede ko syang istorbohin ngayon, pero magbabakasakali ako kaya eto ako ngayon sa locker room ng basketball team.

“What are you doing here?, it's late.” Asking me while glancing in his watch. Ang gwapo nya talaga on his wet look at mukhang kakagaling lang nya sa shower dahil amoy ko po ang sabon na ginamit  nya.

“A-am, I, A..” Hindi ko alam paano sisimulan. Shiit!!! His brow narrowed and ayoko nang madagdagan ang galit nya.

“S-sorry!, a-about last time. I-I didnt mean to be rude.” nangangatog kong sabi sa kanya. I really cant read his face now.

“I just- i just, maybe i am confuse of your being nice to me this past weeks. Hindi ka naman kasi dating  ganun. I mean, Your very vocal to everyone that you hate me right?” I cant really hide the pain now.

“Natatandaan ko, noong kinausap kita sa coffee shop, hindi mo ako pinatapos sa sasabihin ko sayo.” Nagtatanong ang mata ko sa kanya, naalala ko yun, yung gabi na ipamukha nya sa akin how he hates me.

“Sana lang kasi before mo ako pag isipan ng kung ano, sana pakinggan mo muna lahat ng sasabihin ko. Hindi ka dapat mag assume ng mga bagay bagay kung hindi ka naman sigurado diba?, Tama ka, ayoko ng pagiging maingay mo, pag flirt mo sa kung kani kanino, pero kahit kelan hindi ko sinabi sa kahit kanino na hindi kita magugustuhan.” Litanya nya habang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi agad rumehistro sa isip lahat ng sinabi nya kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit nakangisi sya sa harapan ko ngayon.

“Speechless babe?” Biro nya sa akin. Napanganga ako sa sinabi nya, tinawag nya akong babe? Teka nananaginip ba ako.

“Anong sinabi mo?”

“Hahahaha, slow, and I even thought your smart enough to be on a cum laude ha?” Sabi nya habang ngiting ngiti.

Shocks picture perfect. Pwede ko bang picturan ang ngiti nya na yan, his eyes ir really glowing and I dont really know if ako talaga ang reason ng mga ngiting yon.

“Alin sa mga salitang I LIKE YOU, o GUSTO kita ang hindi mo maintindihan?” Naiiyak na ako habang inaabsorb ng utak ko ang mga sinabi nya.

“Bakit ako, Den?” Nakatulala kong tanong sa kanya. Once and for all gusto kong maging masaya kasi hindi ko inexpect na magugustuhan  ako ng taong mahal ko.
“Bakit hindi ikaw?” ganting tanong nya sa akin.

“Ang daming mas deserving dyan, gwapo ka mayaman, matalino. Hindi tayo bagay” naiiling kong sabi sa kanya. Hindi ako puedeng magpa cinderella, walang totoong prince charming di ba?

“I like you, thats all that matters, I cant find reasons behind it and never will i find one.”

“Tayo na ba?” di ko na alam ano pa ang itatanong

“Hahahaha, ang bilis mo naman! Manligaw ka muna kaya” Sabay yakap nya sa akin ng mahigpit at halik sa buhok ko.

“Nananaginip lang ba ako?” hindi pa din humihiwalay ang mata ko sa mata nya.

And our lips met. Gaddd hindi nga ito panaginip.

----

Todo ang ngiti ko sa labi habang nag mamarch sa graduation rites namin. Finally one of my dreams came true. Actually that was two. One is yung makagraduate ako ng college at yung pangalawa eh ang maging boyfriend ang pinakagwapong lalaki sa campus. Hahaha. In my eyes only syiempre. Oo kami na sinagot nya na ako after two weeks ng panliligaw ko. Hahaha biro lang, hindi ko na pinatagal, mahal ko, naghalikan na nga eh, choosy pa ba ako. Hehehe. At doon ko narealize kung gaano sya kasweet na boyfriend although hindi mo makikita na ganoon sya sa harap ng madami, pero pag kaming dalawa lang. Hay lalo akong naiinlove. Lumaki ako ng kulang sa pagmamahal dahil na rin siguro itanaguyod ko mag isa ang sarili ko. Pero ang sarap ng pakiramdam ng alam mong may nagmamahal at nag aalaga seyo na parang hinding hindi ka nya sasaktan at hinding hindi sya mawawalay sa tabi mo. Yun ang akala ko.....

“Eat., para ka nang tingting.” Sabi nya sa akin habang pinaghahanda nya ako ng niluto nyang almusal.
“wrong choice of word babe, it's SLIM.” biro ko sa kanya.

“I'm leaving for the states next week.” nakayuko nyang sabi sa akin. Nagulat ako sa sinabi nya, akala ko nagbibiro lang sya pero nung nag angat sya ng tingin, alam ko hindi sya nagbibiro.

“How long?” nasambit ko na lang at hindi ko alam if narinig nya yon.

“Two years or so...” And my tears fall.

my untamed wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon