It's been what.. 1 month since he spilled out everything and up to now hindi pa din ako makapaniwala na he is really back in my life.
“ Good morning! Flowers for you mam” bungad ng secretary ko while walking towards my table.
It's been one month din since he's sending me flowers everyday. Hindi ko mapigilan mapangiti, he's not a sweet person if i can remember and now his really doing sweet things that i really appreciate a lot.
Can't help but call him.
“Hello” I know he's grinning from ear to ear.
“Thanks! Well I just hope hindi mapagkamalang flower shop ang office ko.” biro ko sa kanya.
“Welcome baby. Let's have lunch” changing the topic.
“Today?” I asked.
“Yup”
“Im quiet busy today, I think a have a luncheon meeting with a client.” Di ko mapigilan mapasimangot, sayang lang kasi.
“It's cancelled, I think” I can hear he's smiling.
“What?, how sure are you?” tanong ko na di makapaniwala.
“100 percent sure baby!”and I heard his laugh.
“Okey.see you at lunch then.”
Masaya sya I can feel na masaya sya and Im really happy na masaya sya.
“Eat. Alam mo ba na ang payat mo na?”nakakunot noong tanong nya sa akin.
“Hindi ako payat., slim” ngiti ko.
“I love your body before, nung nahahawakan ko pa yung mga baby fats mo.” naka nguso nyang sabi.
Cant help but turn red. OMG kelangan talagang banggitin pa un. Nakakahiya kaya.
“Stop it! Or iiwan kita dito” Inis kong sabi sa kanya
“ I really love it when your pouting baby”
Hindi na ako kumibo at nag umpisa na akong kumain
“Fine eat, and will go to the mall after.”
“What are we doing here?” nagtatakang tanong ko when he lead me sa isang boutique.
“ Hi den!” bati sa kanya ng isang babae who seems young.
“Hi Clare, I would like you to help me with my girlfriend's wardrobe please.”
“It's my pleasure Sir.” Ganting ngiti ng babae sa kanya
Hindi na ako nakapag reklamo o magtanong man lang. Nagulat na lang ako ng igiya ako ng babae na kausap nya sa isang dressing room at bigyan ng kung ano ano para isukat.
Natapos na at hindi ko na alam ano ang nangyari basta nakita ko na lang ang dami na nyang bitbit na paper bags.
“What's thatfor?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“Your things, para may gamit ka na sa condo ko.” And he gave me his dashing smile.
“Bakit?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“Coz, I want to.”
“I don't understand...ano bang sinasabi mo?do you want us to live together?” nakakunot kong tanong sa kanya. Fine I love him so much but this doesn't mean makiki pag live in na ako noh.
“Who said we will?bakit ayaw mo ba akong pakasalan? You think live in lang ang kaya kong ialok sayo?” He's mad.
“Kasal??!” gulat kong tanong sa kanya.
“Ayaw mo?!” Hindi ako kumibo. Hindi ko alam ano ang isasagot, nabibigla ako sa nangari eh, parang ilang linggo lang simula ng magkaayos kami tapos kasal agad?!! susme hindi ba sya nabibigla lang, sigurado ba sya na ako na talaga ang gusto nya makasama habang buhay?
“Baby nabibigla ka ba sa mga to? Palagay mo pagkatapos ng lahat ng nangyari papakawalan pa kita?” nakita ko ang paglungkot ng mga mata nya.
“Hindi naman sa ganun den, but...parang ang bilis naman, sure ka na ba?I mean...na ako na talaga? Hindi ka man lang ba mag dadalawang isip na pakasalan ako?” Hindi ko alam kung dapat ko ikatuwa o ano.
Bigla na lang sya tumahimik. Hindi ko na din sya pinansin pa, siguro para din makapag isip pa sya.
Nagulat ako ng nasa tapat na sya ng apartment ko. Bumaba sya at dinala lahat ng pinamili ko. Hindi pa din sya nagsasalita. Nagpatiuna sya sa tapat ng pinto at inantay na mabuksan ko yon.
“Mauna na muna ako” paalam nya na hindi man lang tumitingin sa akin.
“Hmmm.. ok ah yung mga pinamili mo?” Di ko kasi alam if sa akin lahat yon, ayokong mag assume.
“Sayo lahat yan, kung ayaw mo tapon mo na lang” sabay labas nya ng pinto.
Ni hindi nya man lang ako inantay na magsalita.
Hindi ko alam if dapat ko ba syang itext or what simula kasi kagabi na umalis sya hindi na nya ako tinawagan o tinext man lang. Dapat ba akong maguilty sa mga sinabi ko? Hindi naman sa ayaw ko na magpakasal sa kanya. Sya din naman ang iniisip ko. I think I should make him realized that. So I grab my phone and start to type message for him
TO: Den
Hi!
Ofcourse. Hindi ko alam ano ang sasabihin sa umpisa
I've waited 5mins pero walang reply
TO: Den
Are you mad at me baby?
Still walang reply, hanggang sa nakatulugan ko na yung pag iintay sa reply nya. Naalimpungatan ako sa malakas na ulan. Mukhang babagyo pa ata. Naalala ko yung reply ni den sa akin, sheeettt! 30Miss calls and a lot of text messages from him????!!!!
FROM : Den
You are not aware how disappointed I was hearing those words from you.
FROM: Den
So you are now the one who is mad?
FROM: Den
Baby?
FROM: Den
Sorry ok, nagtatampo lang :(
FROM: Den
Baby?
Hanggang sa huling message nya hindi ko maisip kung bakit ko sya nakatulugan, hai.