Chapter 29: Praning v. 1.0

14 0 0
                                    


.........
Rainne POV

Today is another day, grabe 2 days nalang EB na. T___T Sobra na agad ang kabang nararamdaman ko. Tss. Bakit kaya ganun, di naman ako ang makikilala nya eh, kundi si bespie pero over over naman sa kabog dibdib ko. Haaay.

Nagbihis na ko agad para pumasok ng school. Pero yung utak ko nasa mga kaganapan pa kagabe hehehe. Para akong timang, bigay ng bigay ng mga advice kay richkid eh sarili ko ngang problema di ko maaksyunan.

* Sa school....

"Hoy bespie! Ano na naman ang ineemote mo jan ha?" Nagulat ako may biglang umakbay saken.

"Emote? Sino? Ako? Di ah."

"Hinde, hinde. Baka ako! Ako ang nag eemote kaya nga inakbayan kita eh kasi ako yung nakatulala at nakapangalumbaba pa!"

"Grabe ka naman saken bespie."

"Hahahaha, ang aga aga naman kasi nag eemote ka na. Ano bang problema?"

"Eh kasi.... Yung ano eh.. Kasi ano.."

"Haaaay. Ano ba talaga?"

"Eh 2 days nalang bespie oh, EB na nung clan namin. Eh kasi...."

"Yun lang ba? Nako wag mo na isipin yun okay? Akong bahala sayo! Daig ko pa yata ang rexona no, coz I won't let you down!"

"HAHAHAHAHAHA."

Para kaming mga baliw. Puro na kami tawa, hehehe. Kaya loves na loves ko tong bespie ko eh. Alam na alam nya pano pagaangin ang loob ko.

"Seriously bespie, don't overthink too much okay? Diba dapat ako pa nga yung kakabahan kasi I'll be the one who'll do all the talking and acting? Wag na mag isip ng mag isip baka mabaliw ka pa! Sige ka, baka mamaya makita ka nalang namin naglalakad ka sa tabing kalsada tapos kakamot kamot ka sa ulo mo."

"Grabe literal na wilab talaga? Di naman siguro ako aabot sa ganung point. Over ka! Hahahaha."

"Well ang sa akin lang naman ay reminder. Ayaw ko yata mawalan ng bespie no.." Sabay hug sideways saken.

Ang sweet talaga nitong bespie ko. Hindi ako nagkamali na gugulin sa kanya ang halos 3/4 ng buhay ko. Parang we're sisters from another mother. Shocks nag eenglish na talaga ako. Ibang level na toooo! 😂

* Entering Ian.... *

"Goodmorning chii. Syempre goodmorning sa mahal kong prinsesa." Hinalikan nya sa noo si emz.

"Sige na dun na kayo sa upuan nyo, bitter ako eh baka maipalo ko pa sa inyo tong hawak kong libro. Hahahaha. Walang forever!"

"Ay, grabe sya oh. May forever samin no! Tara na nga babes. Hahahahaha." Sagot naman ni emz.

* toooot tooot *

May nagtext saken, baka si boo na to. Haaay lalo akong kinakabahan. Pano naman kasi, di ako sanay. First time ko yata mapasok sa ganitong sitwasyon. Awkward pa sa pakiramdam. Para akong majejebs na ewan. Psh.

"Ehem.. Ehem.."

Hala, andito na pala si Sir, hindi ko man lang namalayan. Nakatulala na naman pala ako.

"Goodmorning guys. Unfortunately, namove ang ating foundation week next month. Nagka emergency kasi ang ating Big Bosses, kinailangan nilang pumunta sa U.S para isettle yung unfinished businesses nila. So it means that we have to adjust, magkaka celebration pa din naman sa mismong araw na yun pero yung mga performances including ours ay iminove. So, since we are almost close to perfection, chill chill na muna tayo, is that okay? Alam ko din namang sobra na kayong naiistress."

Miss Taken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon