.........
Rainne POVKahit kailan talaga, nakakapressure tong si night. Lalo tuloy akong kinabahan. Pano kaya kung magpatiwakal nalang ako para matapos na lahat ng paghihirap ko?
Kaso kawawa naman sila mama, baka pulutin sila sa kangkungan maipalibing lang ako. Haaay ewan. May 3 araw pa naman ako, makakapag isip isip pa ko.
Hindi na rin ako nakakapag gm sa clan, pero di naman ako natatakot na materminate kasi I have a valid reason. Mehehehe. Lumapit ako sa may lamesa, nakita ko may spaghetti. Ang mama ko talaga, sobrang thoughtful! Nagtimpla din ako ng juice, saka ako bumalik sa kwarto.
Sakto pag akyat ko sa taas, naiwan ko kasing nakabukas pinto ng kwarto ko. Narinig kong may kausap si bespie sa phone.
Bespie: "Oo babe andito ako, nakipag chikahan lang naman haha.. Wala naman daw.. Oo.. Susunduin mo ba ko?.. Wag na baliw.. Sige maya nalang, okay.. Okay, i love you too. Mwaa."
Ang sweet talaga ng mga kamoteng to. Hehe. Kelan kaya darating ang prince charming ko? Haaaay. Panay nalang ang buntong hininga ko. Nakaka baliw na. Pumasok na ko sa kwarto.
❤_______❤
"Wooow tamang tama gutom na ko. Hahahaha." Namimilog na mga mata ni emz, mukha ngang gutom hahaha.
"Actually pang sayo lang tong dala ko. Isang bandehadong spaghetti." -ako
"Ang mean ha. Hahaha. Wag kang hihingi kala mo jan." Sabay agaw sakin ng dala kong tray. Grabe para kaming mga batang nagdadamutan ng pagkaen. :D
Habang kumakaen, napatingin ako kay bespie. Buti pa sya nasolve na problema nya sa lovelife nya. Nasaktan nga sya date sa loko lokong ex nya pero tignan mo naman ngayon, parang mas okay pa naging kapalit. Totoo nga siguro yung kasabihan na pag may nawala, may mas okay na darating.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa kinakaen ko, ang sarap talaga magluto ni mama. Lamang lang ng isang rekado ang Jollibee eh, halos magkasing lasa na. Hahaha.
Tumingin ako sa plato ni emz, nakahiwalay yung mga hotdog. Siguro ihuhuli nyang kainin. Hahaha. Hinawakan ko ang tinidor sabay tusok sa hotdog nya.
"Ay! Ano baaa!" Sabay palo nya sa kamay ko.
"Hahahaha sorry naman. Akala ko ayaw mo eh. Hahahahaha." Halos mamatay ako sa kakatawa. Nanlilisik ang mga mata nya. XD
"Kunin mo na ang lahat sa akin, wag lang ang aking hotdog."
Natigilan kami pareho sa sinabe nyang yun. Mg after 3 seconds, sabay na kaming tumawa ng tumawa.
"Hahahahahaha!"
---
Ilang minuto ang nakalipas...Ang dami na naman naming napagkwentuhan ni bespie, iba talaga sa feeling pag nakakapag usap kami. Nakakagaan ng loob. :")
I'm really blessed to have her in my life. Wag ka, napapaenglish na naman ako. Grabe impact saken ni richkid ah. Hahaha.
Para na talaga kaming magkapatid neto, halos kilalang kilala na namin ang isa't isa. Pero yun nga, minsan di maiwasan na mainggit ako sa kanya kasi buti pa sya lahat ng gusto nya nakukuha nya, napapasakanya. Samantalang ako, ni walang lakas ng loob na magsabi ng nararamdaman ko.
Sabi naman nya wag ako magalala sa EB na yun kasi gagalingan daw nya para saken. Sana nga, kundi makakatikim saken to ng sapak. Haha.
"Oh pano bespie, una na ko ha. Gusto ko na rin makapag beauty rest at baka magka wrinkles ang lola mo. Hahahaha." Nag aayos ng buhok si emz sa may salamin.
BINABASA MO ANG
Miss Taken Identity
Romance[ON-GOING] "If you love someone very much, let him go free. If he doesn't come back, he was not meant to be yours. But if he does return, love him as hard as you can for the rest of your life." Is love more important than friendship? Can it really...