.........
Rainne POVDi pa rin ako nakakamove on sa mga nangyari kagabe. Hindi kaya naramdaman yun ni Troy, na hindi naman talaga ako yung katabi nya? ☹️
I mean, wala bang lukso ng dugo ganun? Tsk.
Nag date agad sila, AGAD AGAD! Haaay. Pano ko nalaman? Syempre nagreport saken si bespie. Alam ko namang di kakalimutan nung magsabe saken ng mga napag uusapan nila e. Actually katext ko sya habang magkasama sila hehe. To keep me updated sa mga ganap sa kanila.
To be honest may kaunting selos factor pero syempre nananaig pa rin sakin yung tiwala. Tiwala na alam kong hindi sisirain ni emz. At hinding hindi nya ipagpapalit ang friendship namin sa isang panandaliang kaligayahan lang.
Oo alam ko isang malaking kalokohan tong pinaggagagawa namin. Pero idea ko to lahat eh kaya I have to deal with all the pain, with all the consequences that might come with it. Oha! Sa kakaemote ko, napapaenglish na tuloy ako.
* kriiiiing kriiiiing *
Nagriring yung phone ko.
Pagtingin ko, si ian pala yung tumatawag. Bakit naman kaya. Hmm.
[Hello? Bakit chii?]
[Hello chii. Kasama mo ba si emz?]
[Hindi eh. Bakit?]
[Hindi ko kasi sya macontact kanina pa. Baka kako magkasama kayo. May sinabe ba sya o nabanggit man lang na gagawin o pupuntahan nya?]
Naku, patay nag alala na si boyfie nya. Di pala nakapag paalam ng maayos tong si bespie.
[Ahh, ang pagkakaalam ko nabanggit nya na may inuutos lang sa kanya si mommy nya.]
[Ganun ba? Sige atleast alam ko na okay naman pala sya. Grabe nag alala talaga ako e. Salamat ha. Naistorbo ba kita?]
[Hindi naman, actually wala naman akong ginagawa e. Sakto lang pag tawag mo.]
[Good. Good. Kamusta ka naman ba chii? Medyo matagal na tayo di nakakpag kwentuhan e.]
[Aba. Buti naman pala at naaalala mo pa akong kamimustahin no? Simula nung naging kayo ni bespie eh naging busy ka na. Hahaha. Pero okay lang naiintindihan ko naman na you need space para sa inyong dalawa. No worries chii.]
[Hala. Grabe sya sakin oh. Nagtatampo ka ba chii? Di bagay sayo no. Sige ka. Maagang kukulubot mukha mo.]
[Naku naku. Di uubra saken yan. Hahahaha. Matagal nang kulubot mukha ko sa sobrang stress!]
[Asuus. Wari ka pa. Kamusta kaba chii? Wala ka bang manliligaw ngayon?]
Luh. Napapano kaya tong lalaking to. May pagka chismoso din e no. Hehe.
[Naku wala no. Di uso sakin yun. Ganun yata talaga kapag di kagandahan. Walang magkamali. Hahaha.]
[At sino naman ang may sabing di ka maganda? Masasapak ko yun.]
[Hala syaaa. Barumbado lang ang peg? Hahaha. Di ko kailangan ng lovelife no. Pagkain ang kailangan ko! Pagkaaeeeen!]
![](https://img.wattpad.com/cover/9744210-288-k943748.jpg)
BINABASA MO ANG
Miss Taken Identity
Romance[ON-GOING] "If you love someone very much, let him go free. If he doesn't come back, he was not meant to be yours. But if he does return, love him as hard as you can for the rest of your life." Is love more important than friendship? Can it really...