Chapter 16: Just A Dream

139 7 3
                                    

.........

Rainne POV

* beeep *

"Sino pa ba? Edi ikaw. ^_^ I'm falling for you kirin."

Whaaaaaaat?! Falling.... for me? For reaaaaaal?

.........

* boooooggssssshhh *

"Ay kalabaw!"

Nahulog ako sa kama! Waaaaaa panaginip na naman pala! Napahawak ako sa may siko ko kasi napalakas yung tama sa sahig. Akala ko totoo na huhuhu. :<

Bigla kong naisip, posible nga kayang mahulog yung loob sakin ni Troy? Pero di pa nya ko nakikita. Base sa itsura ni reirika sa fb, ang ganda ganda nya. Ano naman panama ko dun if ever? Hindi ako chix. T__T

Haaay. Nakakainis naman to. Sana hindi nalang ako nagising, baka sakaling naging kami pa nun. Chos!

Pag tingin ko sa orasan, 6 o'clock. Papasok na naman pala. Back to reality. Haaay.

Same old routine. Pumasok na ko sa cr para makaligo at papasok ng school afterwards.

---

Sa school..

Pagdating ko ng room, napansin kong wala pa si bespie. Tiyak kong madami ikukwento to sa lakad nila ni Ian kahapon eh. Umupo na ko sabay labas ng phone galing sa bulsa. Chineck ko ulit yun mga messages. Tambak na yung mga GMs nila sakin, medyo tinatamad na kasi ako magbasa. Kung pwede lang sana idelete all eh hahaha kaso syempre joke lang.

"Huy!"

"Ay kalabaw!" Nagulat ako may biglang kumalabog sa desk ko eh busyng busy ako kakabasa.

"Asan ang kalabaw? Hahaha." Si bespie pala to. Lakas trip ang aga aga, mukhang maganda gising.

"Ang adik mo bespie, buti di ko naibato 'tong phone ko. Hahaha. Bigla ka nalang sumusulpot. Yung totoo, pinaglihi ka ba sa kabute?"

"To naman, naglalambing lang eh hehe. Wala pa si ian?" Tanong nya.

"Oo nga eh. Himala palagi na ata yun late nagigising. Baka naman pinagod mo kahapon? Hahaha." Biro ko sa kanya. Titignan ko lang magiging reaksiyon nya.

"Wala nga kaming nagawa kahapon kundi kumaen. Tapos yun nga naflat-an pa ng gulong. Azaaaar!"

"Eh bakit parang masaya kapa rin? Kaw ha, ayiiieee. Haha."

"Hala, scientist ka ba?"

Scientist daw? Hahaha, babanat ba to? Ano ba sinabe ko? XD "Baket?"

"Eh kasi.. Ang galing mong imbentor. Hahaha."

"Wow ha. Pumipick-up lines ka na ngayon. Hawa hawa lang? Hahaha."

"Di naman. Nakakadala lang mga kapilyuhan ni Ian, araw araw ba naman nating nakikita. Hahaha."

"Oooohhh. I see haha. Nadadala ha.." Tinignan ko sya ng para bang nang iintriga. Masaya naman ako kung si Ian makakatuluyan nya. Atleast sobrang kilala na namin, alam kong di sya lolokohin.

Pero bakit parang may kakaiba akong naramdaman? Napahawak ako sa may tapat ng puso ko.

* dugdug dugdug *

Miss Taken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon