.........
Rainne POV
Ako nga pala si Rainne, 19 years old at kasalukuyang nag aaral sa isang university dito sa probinsya namin sa Batangas.
Mahilig akong sumali sa mga text clans, mapa Globe man o Smart. Minsan pa nga pati Sun eh.. Pero usually sa globe ako may load.. (Endorse endorse din pang may time.. :D)
Dito kasi, nakakakilala ako ng iba't ibang klase ng tao na kahit di pa nila nakikita ang pisikal mong itsura eh alam mong natatanggap ka nila. Yung mga taong iba't iba ang estado ng pamumuhay, yung mga taong alam mong hindi ka paplastikin. May natututunan ka kasi sa kanila galing sa mga pinagdadaanan nila.
Pero sa buhay di naman talaga mawawala yung mga kontrabida, meron at meron ka pa ring makakaaway. Hindi kasi nawawalan ng mga inggitera at inggetero sa mundo, nagkalat ang mga yan.
Tinitiis ko minsan na magsuper duper tipid ng baon para lang may maipangload. Eh hindi naman ako basta basta pwede humingi ng load kay Mother Earth, kasi once na napansin nyang malakas ako magload, nagtatransform ang bibig nyan sa pagiging armalight. hahaha! Kayo ba gusto nyong palaging niraratrat ng magulang nyo?
May kasabihan nga tayo eh..
'Once is enough..
Two is too much..
Three is abuse..
Four is suicide..
Five is.............'
Tatlo lang talaga yan hahaha.. Dinagdag ko lang yung pang apat, mukha naman kasing bagay eh tapos wala na ko maisip na pang lima.. XD
Pero ang totoo talaga nyan, nagbabakasakali din akong mahanap ko na ang aking Knight in Shining Shimmering Armor sa mga clan ko.. XD Nakakainis din kasi minsan yung mga pelikulang napapanuod ko tulad nung A Cinderella Story. Si Sam Montgomery, aba, sa chat chat lang nakilala niya ang Prince Charming niyang si Austin Ames <3.
I think pwede naman talagang mangyari yun sa totoong buhay diba?
Naiisip nyo siguro na ang desperada ko, hindi naman sa ganun. Grabe naman kayo. :( Hehe. Nagka boyfriend naman na ako kaso laging sad ending eh, ang masama pa, laging third party ang reason o di kaya nagsasawa na ata sila. :( Ang emo ko. (////_-)
Masyado din kasing mabilis yung mga nangyayari, nagiging kami ng biglaan. Gusto ko naman ngayon itry yung mula sa pagiging Strangers, tapos Friends, then Best friends, saka palang magiging Lovers. Kasi pag ganun, parang mas lumalalim yung pagkakakilala nyo sa isa't isa, yung tipong nagkakaugat pagkakakilanlan nyo sa isa't isa. Sabe nga nila, we do not learn from experience, we learn from reflecting on our experiences.
So dahil nga sa mga movies na ganyan, nagsimula akong mangarap. Libre naman diba? :)))
XD XD XD XD XD XD XD XD XD XD
Mejo nerdy-type ako. Di ako masyadong palaayos, makapag suklay at polbo lang ayos na saken. Nasanay lang din siguro ako kasi puro lalake ang kapatid ko.
Bale 4 kami eh, bunso ako. Yung pinaka matandang kuya ko may asawa na. Halos lahat sila may kanya kanya ng buhay, ako nalang ang nakatira sa mama ko. 225-250 nga pala grade ng glasses ko, nagsimula akong gumamit neto eh elementary pa ako. Grabe nga e, kung mayaman lang ako nagpa laser na ko ng mata agad agad. Hahaha..
Minsan nahihiya ako sa mga tao, hindi ko alam pero baka nasa nature ko na talaga. Ambaba ng kumpyansa ko sa sarili ko eh. Kapag nga naglalakad ako tapos maraming tao, halimbawa na puro lalake pa yung mga madadaanan ko, o kaya puro chix ganun, naku kahit ikutin ko pa buong lugar, wag lang ako dun dumaan.. XD
Pero pano kaya ako makakakilala ng Prince Charming eh ayaw ko ngang makipagkita? Haha. Pwede ba yung sa text lang o kaya sa chat chat lang ganun?
Ah basta, wala namang mawawala sakin kung mangangarap ako ng isang Happily Ever After tulad ng mga nasa Fairytales.. Atleast inspired! I believe that true beauty lies within our hearts.. So naniniwala akong maganda rin ako, yun nga lang ako at ang mama ko lang ata ang naniniwala.. hahaha! :D
------------------------------------
First ever wattpad story ko po pala to.. Sana maappreciate nyo.. I will do my best to make this story work.. Mejo kapa kapa din pag may time.. XD I was into writing when I was in highschool but I stopped the moment I entered college. So mejo hinahanap ko pa yung skill ko dito.. :D
Pipilitin ko rin pong makapagupdate lagi, sana laging may Divine Inspiration.. Huehuehue.. xD Wag lang aabutin ng mga hell weeks sa school..
Comments will be most appreciated.. Thank you po.. :)

BINABASA MO ANG
Miss Taken Identity
عاطفية[ON-GOING] "If you love someone very much, let him go free. If he doesn't come back, he was not meant to be yours. But if he does return, love him as hard as you can for the rest of your life." Is love more important than friendship? Can it really...