.........
Rainne POV
--------------------------------------------------
RBS-Delft
Oh guys bawal ang drawing ha!
Kitakits mamayang 7pm sa may McDo sa Lipa! Yung tapat ng Robinson ha, hindi yung nasa tapat ng La Salle!
Founder
Gm
--------------------------------------------------
Hala. Talagang walang atrasan na to. Haaay kinakabahan talaga ako. Chineck ko kung anong oras na.. Alas nuebe na pala ng umaga. Bumangon na ako at naghilamos. Humarap ako sa may salamin.
Tinignan ko yung mukha ko. Ano nga bang mali saken at bakit kailangan ko pang gamitin si bespie para lang di ako mapahiya sa pakikipagkita ko kay Troy? Di naman ako ganung kapanget, pero bakit sobra akong naiinsecure? Napabuntong hininga na lang ako.
Mapuntahan nga si bespie. Makamusta kung ano na balita sa kanya..
---
Kila bespie....
"Tao poooo!" Pagtawag ko sa may harapan ng bahay nila.
Agad namang may nagbukas ng pinto. Si bespie.
"Oh bespie bakit napapunta ka agad dito? Maaga pa ah? Pasok ka." Halatang kakagising nya lang hehe. Ang aga ko yatang mang istorbo. Pumasok na kami at dumiretso sa kwarto nya.
Sa totoo lang sobrang spoiled si bespie sa parents nya pagdating sa mga luho nya sa buhay. Kung ano gusto nyang bilhin, go agad sila. Basta lang daw wag sya gagawa ng bagay na alam nyang ikakagalit ng mga to.
Astig no! Hehe.. Minsan nga naiinggit ako pero okay lang. Nililibre nya naman ako palagi. ^__^
"Wala namaaan. Kinakabahan lang bespie. Di ko mapigilan e."
"Haay anu ka ba. Relax lang! Breeeaaaaatthhheee!"
"Wooooooo!"
"Naku praning na naman ang bespie ko oh. Kalma lang kasi." Tinapik nya ako sa balikat.
"Alam ko na, gusto mo magpa parlor? Magpapa manicure and pedicure na din ako." Pag aaya sa akin ni emz.
Why not noh? Tagal ko na ding di nakakapaglinis ng kuko e. Hahahaha. Parang ewan lang. Tinitignan ko si bespie. Relax na relax lang talaga sya e. Yun bang parang wala lang talaga. Iba na talaga pag mataas ang self confidence ng isang tao. Nakakaya nyang gawin ang lahat. Sana ako din, sana kaya ko din yung ganun. Haaay andaming sana.
* Kriiiiing *
"Oy bespie may tumatawag sa phone mo." Sabe ko kay emz.
* answers phone *
[Hello babe. Bakit?... Ngayon ba?.... Ah eh may lakad kasi kami ni bespie.... Oo.. Pwedeng bukas nalang? Yes babe.... Opo ikaw din ingat ka ha... Sige i love you too.. Babay..]
* hangs up *
"Haay nako bespie kilala na kita! Alam na alam ko yang ganyang tinginan mo e. Don't me ha?!"
"Huh?! Wala akong sinasabe o ginagawa sayo ha!" Napapaano kaya tong si emilyana. Hahah.. Natignan ko lang ng masama e.
"Wag kana magselos! Loves din naman kita bespie. Mamaya lang magkikita na rin kayo ng Soon-to-be-boyfriend mo noh!"
BINABASA MO ANG
Miss Taken Identity
Romance[ON-GOING] "If you love someone very much, let him go free. If he doesn't come back, he was not meant to be yours. But if he does return, love him as hard as you can for the rest of your life." Is love more important than friendship? Can it really...
