Chapter 23: Sweetness Overload

104 7 1
                                    

.........

Rainne POV

 

Pagkapasok ko ng bahay dumiretso ako sa kwarto ko. Napatingin ako sa oras. Mag alas dos palang ng hapon. Waaaa ang aga pa. Ano kaya magandang gawin? Hmmm.

 

Chineck ko ulit phone ko. Maitext nga si boo, wala na naman ako magawa.

 

"Boo, nakauwi na ko. :) Ikaw?" Text ko sa kanya. Humiga ako sa kama.

 

Naisip ko na naman yung proposal ni chii kay bespie kanina. Kung may lalaki rin na handang gumawa nun para saken, nako sigurado sasagutin ko din agad. Grabe sobrang effort eh, handang gawin ni chii lahat para kay bespie. Waaa naiinggit ako. T____T

 

 

* tooot tooot *

 

 

Nagreply na ata si boo.

 

"Buti naman nakauwi ka na. Andito ako sa may pier, may inaasikasong shipment na inutos ni dad kanina. Baka di ako masyado makatext ha pero I will naman if I have the chance."

 

"Aahh oo naman, ano ka ba? Okay lang yun, baka din mapagalitan ka dyan pag panay ang text mo. Hehe. Basta mag iingat ka dyan ha."

 

"Oo naman mag iingat ako. Ayokong magalit ka saken eh. HAHAHAHA."

 

"Lol, bakit naman kita papagalitan? Heller? Hahaha. Nga pala, kumain kana?"

 

"Oo kanina pa. Ikaw ba?"

 

"Hindi pa nga eh hahaha. Kakauwi ko lang din kasi. Pero bababa na din ako. Medyo gutom na ko eh."

 

"Hala, kumaen kana. Anong oras na oh. -_- Pasaway ka."

 

"Sorry na po, kakain na nga eh. :("

 

"Hahaha, yaaan! Kumaen ka na rin muna, may gagawin lang ako saglit. Maya ulit boo."

 

"Hahaha orayt! Take care! :)"

 

"You too. :)"

 

Sayang naman ang busy nya. Hahaha. Nakakainis. xD Bumangon na ko para maghanap ng pagkain sa baba. Paglapit ko sa may ref, may note na nakapost.

 

"Nak, pumunta lang ako saglit sa mga lola mo. May pagkaen akong iniwan dyan sa may microwave, reheat mo nalang ha. Kung lalabas ka, lock mo nalang yung pinto."

 

Wow susyal, reheat. Hahaha. Lumapit nga ako dun. Pagbukas ko...

 

Miss Taken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon