Chapter 13: Moving On

207 9 2
                                    

.........

Christian POV

"Eh siraulo pala to eh!" Sinuntok ko si Raymart. Di ko na napigilan sarili ko, alam kong sobrang masasaktan si emz sa nakita nyang to eh.

* boooogggshhh *

"Aaaaahh!"

Napasigaw yung kasama nyang babae tapos natumba naman sya sa may sahig. Halata kong nabigla din sya eh. Pinunasan nya yung gilid ng labi nya na may dugo. Ramdam ko na napalakas yung suntok ko kasi mejo sumakit kamao ko.

"Ang tigas ng mukha mo gago!" Upakan ko pa sana sya ng bigla kong narinig na sumigaw si rainne.

"Ian tama na yan!"

Nahawakan nya kamay ko, enough para mapigilan nya yung suntok ko pa sana sa hayop na to.

"Chii tama na please lang! Wag mong aksayahin lakas mo sa mga ganyang klaseng tao!" Mejo natauhan ako sa sinabi nyang yun. Nagdilim kasi talaga paningin ko kanina. Napansin ko din may papalapit ng guards samin.

"Gago ka pre! Manloloko ka! Pasalamat ka napigilan ako ng kasama ko, basag na sana yang pagmumukha mo!"

Humarap ako sa kasamang babae ni Raymart. "Miss, walang kwentang tao to kaya wag mo na pagaksayahan ng oras yan!"

"Ian tama na please...." Nagsalita si emz pero umiiyak pa rin sya. Tumingin sya kay Raymart.

"Minahal kita pero anong ginawa mo? Kulang pa ba ako at nagawa mo pang maghanap ng iba? Tinanong naman kita kung may problema tayo, sabi mo wala kaya umasa ako na okay ang lahat. Ang sakit. Sabi ko pa noon, baka eto na talaga, this time seryoso na ako. *sobs* Nasan na yung mga ipinangako mo sakin? Kinaen mo din lahat ng sinabe mo. Sabi mo pa iba ka sa mga nakilala ko pero alam mo, pare-pareho lang kayo eh. Salamat nalang sa lahat. *sobs* Sinayang mo pagmamahal ko sayo." Hinubad nya yung suot nyang bracelet at ibinato kay Raymart. Siguro bigay nya. "Ayan! Isaksak mo sa baga mo!"

Hindi ako sanay na makitang ganun si emz. Kaya naman handa akong basagin mukha ng lalaking to para sa kanya. Kaso hinatak nya na kami ni rainne palayo. Umiiyak pa din sya.

Medyo nakalayo na kami, palabas na ng mall. Yung dapat gala namin para mapasaya sila, nauwi pa sa ganito. Hindi pa rin tumatahan si emz. Nakaalalay sa kanya si rainne.

Huminto muna kami dito sa Pizza Hut sa labas ng SM. Kelangan munang mapakalma to bago namin sya iuwi eh.

"Babes! Wag mo nang iyakan yung gagong yun! Wag mo syang pag aksayahan ng luha mo. Buti nalang habang maaga nakita mo na agad totoong kulay nya diba."

"Oo nga eh. Pero kasi.. Minahal ko talaga yung hayop na yun. *sobs* Bespiiieee.." Yumakap sya ulit kay rainne habang umiiyak.

"Tahan na bespie. Naiganti kana naman ni ian kahit pano. Nakita mo yung pagsuntok nya? Lipad si Raymart eh." Seryoso ba tong si chii o nagjojoke? @___@

Sumagot ako. "Haha, pero ang tigas talaga ng mukha nya pramis. Tignan mo namumula pa rin kamao ko. Sakit nun ha!" Ipinakita ko sa kanila kamay ko. Namumula naman kasi talaga eh.

Hinawakan ni emz kamay ko at tumingin sa mata ko. "Salamat ian ha? Salamat sa inyo ni bespie."

"Sus, wala yun! Sabi ko na nga ba di mapagkakatiwalaan yun eh." Sa mga kwento palang kasi nya samin nun, halatang di na gagawa ng maganda yun eh.

"Babes.."

"Oh?" Napatingin sya sakin.

"Leggings ka ba?"

Miss Taken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon