Chapter 32: Mr. Kupido

15 0 0
                                        

.........
Rainne POV


Si troy...

Tulad na tulad ng mga nasa pictures nya. Ang gwapo talaga. Tapos chinito pa. Kulot ang buhok, maputi, matangkad. Grabeee. ❤️

"Oy par nagkita rin tayo." Bati ni Delft kay Troy. Nag dibdiban sila. Yung normal na batian ng mga boys, maghahawak kamay tapos ikukrus tapos magdidibdiban ganun hehe.

"Oo nga e. Nakapunta din ako finally. Nice to meet you."

Isa isang nakipag shake hands yung mga ka-clan namin.. Nagdatingan na din yung iba pa. Bale parang nasa 15 ata kami? Andaming lalake e. May mga itsura din yung iba.

Tulad nung Mr. Yoso. Ang puti. Yayamanin ang datingan. Lakas maka Paulo Avelino. Hahaha. Pero parang mas bagay sa kanya yung Mr. Yosi kasi kaninang kanina pa to naninigarilyo sa labas. Lagi na lumabas ng lumabas. Adik lang hehe.

Tapos may magaganda din. Tulad ni hart, yung Shane tsaka may isa pa. Nalimutan ko agad codename hahaha.

Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Ewan ko ba. Parang excited na kabado. Parang gusto kong tumakas or sana-lunukin-nalang-ako-ng-lupa feeling.

"Nga pala par, I want you to meet your *ehem*"

Oo! Inistressed out pa talaga nyan yung pag ubo nya! Grabe sya. 😭😭😭

"Soo.. Kiringirl.. Finally..."

"....H....Ha.... Hi.... I'm....."

Hala sya. Napapatulala.

"Boo, right?" Iniabot ni troy yung kanang kamay nya kay bespie.

"Ye....yes. Nameet din kita Troy."

Nagshake hands sila. And antagal ng hawak nila. Mga 20 seconds din yun! Oo! Talagang binilang ko! Dapat ako yun e... Pero ginusto ko to kaya wala akong karapatang umangal!

"O... Em... Ji.... Ikaw pala si kireng girl! Nameet din kita, b*atch!"

"Hello po ate. Kamusta po?"

HAHAHAHAHAHA GRABE! Bigla naman ako napatawa kay emz. Tinawag na ate si rei. Kitang kita ko pamumula ng mukha nya sa galit. 😂

"Don't call me ate! We're not even related! Duh!" Halatang napikon sya sa ginawa ni bespie. Luka talaga nun.

"Sorry po ha, nagbibigay galang lang. Nice to meet you po."

"Whatevs! Let's go babe, I'm hungry na." Hinatak nya si troy. Nakakapit ang linta sa braso ni boo. Psh.

"Teka nga bitiwan mo ko. Saka anung babe? Hindi naman tayo tine kaya tumigil ka na jan okay!" Wow naman. Mala soap opera na nangyayari dito ah. "Hmm.. Boo.. Sa wakas nakita na rin kita. Pwede ba kita i-hug?"

Hug daw!?! Naku hindi naman siguro papayag si bespie no. Ang bilis bilis nya naman. Saka alam ni bespie mga limitation nya. Alam nilang conservative si kiringirl kaya di yun basta basta magpapa yakap lalo na sa lalaking kakakita nya lang!

"Uhm. Sige ba."

😓😓😓

At niyakap na nga sya ni Troy. Hindi ko maexplain yung naramdaman ko. Pero siguro may plano sya para samin. Kaya mo yan rainne! Tiis tiis muna tayo ha? 😔

"Alam mo ba sobrang saya ko at nagkita na tayo. At ngayong nakita na kita, di na kita papakawalan pa."

Yan ang mga narinig kong sinabe ni troy kay bespie habang nakayakap. Pero kumawala sya rito.

Miss Taken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon