Chapter 30: Miss Bitter ng Taon

19 0 0
                                    

......
Christian POV

Kakauwi ko lang galing sa bahay nila babes. Busog na busog ako, grabe kasi niluto ng mommy nya, para na kong papatayin bukas. Hahaha.

Sobrang overwhelmed pa din pakiramdam ko eversince nung naging kami. Yun bang parang hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get over sa mga nangyare. Natatawa na nga lang ako bigla minsan kapag naaalala ko kung pano ako nagconfess sa kanya. Hahaha.

Sana nga kaming dalawa na talaga. Matagal tagal din akong paligaw ligaw tingin lang sa kanya e. Buti nalang nauntog na yata at nakita na rin ang halaga ko sa wakas. 🙈

Minsan naiisip ko, paano kung rebound lang pala nya ako? Baka hindi pa talaga sya nakakamove on dun sa gagong nanloko sa kanya. Naku siguro mababaliw ako. Natatakot akong masaktan kaya handa kong gawin ang lahat wag lang syang mawala sa akin. Ipaglalaban ko sya sa abot ng aking makakaya!

Sana mahanap na rin ni chii yung tamang lalake para sa kanya. Yung lalaking deserve na mabigyan nya ng 100% ng pagmamahal na kaya nyang ioffer. Ewan ko ba, sa tinagal tagal naming magkakilala ni rainne, never ko pa yata nabalitaan na nagkaroon sya ng seryosong relasyon, o ang mas malala, never ko pa yatang nabalitaan na nagka bf sya!

Sa dinami dami ng tao sa mundo, pano mo kaya malalaman kung sya na talaga ang nakalaan para sayo? Yun bang masasabi mong ka redstring mo? O yung destiny na sinet up para sayo ni Lord. Hahahaha pucha ang korni ko. Kung ano ano na naiisip ko.

Basta mahal na mahal ko si emily and I will do everything to protect our relationship!



* tooot tooot *


May nagtext, sino naman kaya ito..



From Christine:
Hi babyboy! Wanna have fun tonight? See me at Tides.. I'll wait for you! Xoxo!


Baby boy? Anak ng. Mukhang lasing na naman tong babaeng to ah! Walastik sa pagiging alcoholic! No! Hindi ako pupunta! Mamaya madamay pa ko sa mga kalokohan nya eh.

Pero tsk. Ano ba tong nararamdaman ko? Bigla naman akong nakonsensya! Pano kung mapagtripan na naman sya ng ibang lasing dun sa bar?

Eh ano naman kung pagtripan sya? Di naman kami close! We're not even friends! Hindi ako dapat nagwoworry! Saka kung mapagdiskitahan man sya, malamang kasalanan nya!

Pano kung mapahamak sya? Ehdi kargo pa sya ng kunsensya ko for the rest of my life! Naman kasi, bakit ako pa tinext nya! Or kung sakaling wrong send, bakit talagang kailangan sakin pa?! Nakakainis naman o!

Makapunta na nga!!!




***
Sa Tides...



Nagpalingon lingon ako sa loob ng bar, asan kaya yung alcoholic na yun? Naman oh!

Naglakad lakad ako hanggang sa makita ko syang sumasayaw sa gitna ng dance floor. May tatlong lalaking nakapaikot sa kanya na sa tingin ko ay tuwang tuwa habang sya naman ay panay na panay ang sexy dance! Yuck! Nakakadiri talaga tignan ang mga sobrang party girl! Yun bang hindi na nila kayang kontrolin katawan nila. Nawawalan na sila ng respeto sa sarili nila. Dapat kasi ang alak sa tiyan nilalagay, hindi sa ulo!

Nilapitan ko si tin..

"Excuse me tin, let's go?" Pag aya ko sa kanya.

"Woooow, pare wala namang ganyanan. We're still having fun!" Sagot nung isang lalaking medyo mestisuhin ang datingan.

"Lasing na tong kaibigan ko pre, besides pinapasundo na sya ng dad nya saken."

Miss Taken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon