.........
Emily POV
Pauwi na kami ni mama. Grabe dami nya pinamili eh. Naka 4 na box ata kami, may dalawang naka plastic pa. Talo pa namin may sari sari store.
"Ma aalis pala ako maya ha? Uwi din naman ako agad." Sabi ko kay mama habang nakasakay kami sa taxi.
"Sige, basta wag kang magpapalate masyado ng uwi at baka mapano ka sa daan." Nakatingin sya sakin.
"Okay Ma!" Nginitian ko sya. Mabait naman talaga to eh, huwag lang tatamaan ng topak nya. Ayun, susungit. Hahaha.
Nang makarating kami sa bahay, tinulungan ko lang syang ipasok lahat ng pinamili namin. Pati yung taxi driver tinulungan na rin kami eh hehe. Tinext ko ulit si babe.
"Babe, andito na kami sa bahay. Wait nalang kita ha? :) :*"
Umakyat ako ulit sa kwarto para makapagpalit ng damit. I'm planning to wear something sexy, chos! Hahaha. Basta yung sa tingin ko magugustuhan ako lalo ni ian. I want him to fall in love with me over and over again.
* tootoot tootoot *
"I'm on my way na dyan babe, konting hintay nalang. :*"
"Okay poooo.. :D Ingat ka ha? I cannot afford to lose you in my life.. :*"
"Wooow ha. Hahaha. Syempre naman mag iingat ako no? :*"
Hala papunta na pala sya. Kelangan ko na bilisan. Lumapit ako sa may salamin para magretouch ng make up. After ko magpalit ng damit, bumaba na ko. Sa may kanto ko nalang sya hihintayin para di na kami makita ni mama.
* After 20 minutes *
"Hi babe myloves!"
"Ay hello din babe ko.." Lumapit ako sa kanya tapos kiniss ko sya sa cheeks.
"Wow ang sarap naman nun. Pwede isa pa?"
Tiningnan ko sya ng masama. "Ayoko nga!"
Sumimangot sya with matching pout pa. Nakakaawa talaga itsura eh hahaha. Wala na ko magagawa nagpaawa na eh, nilapitan ko ulit sya sabay kiss sa cheeks nang biglang.....
"Ay talagang!" Hinampas ko sya sa braso nya.
"Hahahaha sarap talaga!"
Nung saktong ikikiss ko na sya sa cheeks, bigla ba naman syang humarap sakin! Napakiss tuloy ako sa lips nya. Daya eh. -______-
"Hahaha. So san pala tayo ngayon pupunta?" Tanong nya sakin habang tawa ng tawa.
"Hmm. Kahit saan, ikaw nalang mag isip. Ikaw ang maraming alam na galaan dito eh."
"Ay ganon? Haha sige tara na."
Hinawakan nya ako sa kamay tapos nung sasakay na kami sa sasakyan nya, inalalayan nya ako. Binuksan nya yung pinto tapos hawak pa rin kamay ko habang umaakyat ako.
Nagdrive sya ng nagdrive, ewan ko kung san gustong pumunta nito. Hanggang sa huminto nalang kami sa isang bar.
"Bar ulit?" Tanong ko sa kanya.
"Oo sana, eh wala pa naman tayo ibang maisip na puntahan diba? Hehe. Saka Bar and Restaurant to kaya you don't have to worry." Sagot nya sakin habang patingin tingin sya sa side mirror ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Miss Taken Identity
Romance[ON-GOING] "If you love someone very much, let him go free. If he doesn't come back, he was not meant to be yours. But if he does return, love him as hard as you can for the rest of your life." Is love more important than friendship? Can it really...