Chapter 20: Whoops Kiri

119 7 2
                                    

.........

Emily POV

Kakatapos lang ng practice namin. Grabe hindi na biro yung mga pinapagawa samin. Kung nung last week medyo petiks pa, ngayon ni hindi na kami makapagpahinga. T_T

Nakaupo kami ni bespie, nagpupunas ng pawis. Sumayaw din kasi kami eh. Si ian naman nasa kabilang side ng room, kausap sila lorens.

"Bespie, ano kaya pinaguusapan nila ian don?" Tanong ni rainne.

"Hmm siguro tungkol lang dito sa rehearsal natin." Patay malisya lang, wari hindi alam.

"Ooohhh. Ganun ba? Nga pala, san ka punta after neto?"

"Hmm. Uuwi na siguro, papahinga. Lagi nalang tayo andito sa school. Nakakapagod hehe. Ikaw?"

"Ay ganun ba? Ehdi baka ganun na din. Siguro uuwi na din ako."

"Bespie, okay ka lang ba?"

Hala. Mukha ba kong hindi okay? >_<

"Okay ako ah, bakit mo natanong?"

"Eh kasi parang ang tahimik mo."

"Ah, inaantok kasi ako. Kulang pa tulog ko. Haaaay."

"Sabagay, may point ka. Osige sabay na ko sayo."

Tumayo na kami ni bespie para makauwi na. Tinawag ko si ian para makapag paalam na kami. Alam kong magpapaiwan pa sila para makapag plano eh.

"Iaaaan! Mauna na kami ni bespie!"

"SIGE INGAT KAYOO!" Pasigaw na sagot nya.

---

Sa bahay..

Nakahiga na ko pero isip pa rin ako ng isip kung pano nga kaya pag naging silang dalawa na? Sino na maaaya ko kapag gusto kong gumala? Kapag nalulungkot ako? Panigurado mahihirapan akong magadjust neto. Haaay. Masyado akong nagpaka sanay na laging andyan para saken si ian. Masyado akong umasa na magkakaroon pa kami ng pag asang maitama yung mga di namin nagawa date.

Akala ko mapprove ko pa sa kanya na I'm worth giving the second chance, na hindi sya nagkamali na mahalin ako ulit. Alam mo yun, nasa huli talaga pagsisisi. Now I have to be happy for him, kung kay bespie talaga sya sasaya, dapat suportahan ko sila.

Parang gusto kong gumala na ewan kaso wala naman akong makakasama ngayon. Pero kung dito lang ako sa bahay, walang mangyayare saken. Ano kayang magandang gawin? Gagala o gagala?

Tumingin ako sa orasan, 7pm. Siguro dito nalang ako. Ang gulo ko no? Ang gulo-gulo ng utak ko ngayon. Tomorrow is the day, my dooms day. Sana wag nya ituloy bukas, o sana magkasakit nalang ako para di ako makapasok. Parang hindi ko kakayanin na makita yung plano ni ian. :((

.........

Christine POV

I just received a text from chad. Inaaya nya akong gumimik tonight. Of course pumayag ako, as usual I'm still upset with Troy. He's been ignoring me for days now. What's wrong with him ba? Ay nako!

After ko magbihis at mag ayos, nagpahatid na ko sa driver ko sa club na sinabe ni chad. Not really familiar with it pero sabi nya kasi maganda daw dun, medyo bagong bukas lang.

Pagpasok ko sa loob, andami ngang tao. Nagpagala gala paningin ko para hanapin si chad. Kahit kelan kasi pag nag aaya tong gumala o gumimik, lagi syang nauuna. Naniniwala kasi syang hindi dapat pinaghihintay ang babae which is true naman dapat, diba?

Miss Taken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon