Chapter 22: Sundate is <3

79 10 1
                                    

.........

Rainne POV

Kakatapos lang ng practice namin kanina. Hindi na mapaghiwalay sila bespie at ian. Nagpaalam agad sila samin kanina, first date daw nila as a couple. Hinayaan ko na, kailangan din naman nila yun hehe. No hard feelings, kagabe ko pa natanggap na magiging sila na. Nung una parang di pa ko makapaniwala pero nung makita ko kung gano kasincere si chii, gumora na ko sa plano nya.

Ngayon, kailangan kong umuwi ng mag-isa. Masyado akong nasanay na andyan silang dalawa lagi para saken. Kakasakay ko lang ng jeep, naisip kong icheck nalang yung phone ko.

GM..

GM..

GM..

GM..

RBS-Nightmare

Uy galing kay boo. Nakalimutan ko na rin palang itext to, masyado akong napre-occupied ng mga pinlano ni ian eh. Amp. XD

"Boo, malapit na EB ha? Hehe. Inaasahan talaga kitang makakapunta ka. :)"

Hala, muntik ng mawala sa isip ko yung sa EB. Malapit na nga pala yun. Teka, pano ko maiistorbo ngayon si bespie eh may bago syang business? >//<

Don't tell me kelangan kong umisip pa ng plan B? Waaaa. Hindi pwede, sya nalang naiisip ko eh. Palilipasin ko muna to ng mga ilang araw. I have to put everything back in motion, or else.

"Oo naman boo, pupunta ako. Pwede naman magsama ng outsider diba? Isasama ko sana best friend ko eh. Okay lang?"

"Haha oo adik. Kahit sampu o bente pa isama mo ayos lang. The more, the merrier diba? Hehe. Sakin naman ang importante makapunta ka lang, solve na ko. :D"

Wow ha? Nakakapressure naman to. >//< "Hahaha. Baliw. Dalawa lang naman kami. San nga ulit venue?"

"Hahaha. Nililinaw ko lang naman. Sa SM Sta. Rosa. Malapit lapit na naman yun ata sa inyo. Mag Star Tollway kayo. Fastest Route na ata yun."

"Oh? Bakit di ko ata alam yun? Haha. Basta bahala na. Ilang araw pa naman. Igoogle map ko nalang yan. XD"

"Sabe mo yan ah? Haha. Grabe naeexcite na talaga ako."

"San ka naeexcite? Sa inom? Haha." Kunwari hindi ko alam pero ramdam ko kaya sya naeexcite eh kasi alam nyang makikita na nya ako. -__-

"Oo sa inom, matagal tagal na rin akong hindi umiinom eh hahaha."

"Weeeh? Talaga lang ha? Balita ko lasinggero ka eh. XD"

"Wow ah? Kanino mo nalaman yan? :D"

"Sabe ng angel ko. Nakasunod kasi lagi sayo eh. Nagrereport sya saken mehehe." WTF did I just said? :O

"Angel talaga? Hahaha. Baka natakot na saken yun. :D Asan kana pala?"

"Hahaha. Bakit? Nakakatakot ka ba? :P Pauwi na galing school. Ikaw?"

"May pasok pa rin kayo? Grabe namang school yan dinaig pa 7-eleven kung magbukas. Hahaha. Andito nakahiga. Sarap ng buhay, papetiks petiks lang. HAHAHA."

"Aba aba. Haha. May rehearsal lang kami, I mean. Sila, nanuod lang ako. Kasali best friend ko eh." Muntik pa kong madulas na kasali ako. Baka mamaya magrequest pa to ng video eh, mahirap na. XD

"Hindi ka kasali? Bakit naman? Sinasayang nila ang artist na katulad mo. :D"

"Artist talaga? Hahaha. Magugulo lang prod nila pag isinama ako no? xD Mas okay daw na audience nalang ako, atleast may taga cheer sila. :D"

Miss Taken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon