........
Rainne POV
Tiningnan ko yung isa pang lalake na nakikipulot ng mga nalaglag na gamit nung ale. Kaso nakatakip sa mukha nya yung hood ng suot nyang jacket tapos naka shades pa.
Amp. Di ko naman matitigan ng maayos baka kung ano naman ang sabihin neto. XD
Inalalayan ni Ian na makatayo yung ale. Tapos iniabot ko na sa kanya yung mga napulot namin. Yung lalake naman pagka abot nya umalis din kagad. Ni hindi man lang nagsalita. Sabagay mas okay na rin kesa naman di tumulong at all diba?
"Eto na po ate lahat ng nahulog." Sabi ko.
Binigay ko na kasi sa kanya yung paperbag na pinaglagyan ng bigay saken ni tita kanina. Eh pwede ko naman ilipat yun sa bag ko. Kawawa naman si ate pag wala syang napaglagyan. Atleast matibay tibay tong galing kay tita, sure na di na sya mapupunitan mamaya.
"Naku iha maraming salamat. Bawal na kasi ang plastic ngayon eh, kaya eto hirap sa mga pinamili lalo na pag medyo naparami. Okay lang dalhin ko na tong lalagyan mo?" Aniya.
"Opo, okay lang naman saken, mas kailangan nyo po iyan." Sagot ko sabay ngiti sa kanya.
"Sige pano mauna na ako sa inyo. Iho ang swerte mo sa kasintahan mo." Saka sya umalis.
O___O
Wait, WHAT?! Strike two! Nakakahiya naman dito kay ian, napagkamalan pa syang jowa ko. Luh.
Naglakad na ulit kami papasok sa mall. Napapansin ko ang tahimik ni ian, paglingon ko sa kanya, napapangiti ang baliw! Ano kaya naiisip neto?
Siniko ko sya. "Huy kanina kapa tahimik dyan ah. Ano ba iniisip mo? Para kang baliw, ngumingiti ka ng walang dahilan."
"Ang kulit kasi ng tita mo kanina, aning. Hahaha. Tapos hangang hanga naman sayo yung ale. Naging instant Superhero ka pa ngayon. Hahaha." This time maririnig mo na yung pag tawa nya na nakakaloko. Amp.
"Sige tumawa ka lang dyan, mamaya sa pwet mo na malalabas yan. Haha. Kasalanan ko ba kung inborn na kong mabaet? Ehem! Saka for your information, wala kang karapatang tawagin akong aning no!" Biro ko sa kanya.
"Eh mabait ka naman talaga. Kaya nga ako'y sayo eh hahaha. Saka ang cute kaya ng aning, probinsyanang probinsyana ang dating. San na pala tayo pupunta neto?"
"May bibilhin lang ako sa National Bookstore tapos uwi na. Haha. May hinahanap kasi akong libro eh. Baka sakaling meron dito. Wala dun sa may Lipa eh, tagal ko na nga hinihintay magkaroon dun." Patuloy ang paglalakad namin papuntang NBS.
"Oh talaga? Ano bang libro yun?" Usisa nya.
"Yung kay Liz Uy, yung StyLIZed. Hehe."
Napahinto sya sa paglalakad. "YUN LANG?!" Halos pasigaw na pagkakasabi nya. Halatang nagulat eh.
"Oy hindi yun basta yun lang ha? Makakakuha kaya ako ng beauty tips dun. Para makagetover na rin ako sa manang-look ko no. Pano ko magkakaboyfriend nyan. Hahaha." Pabiro kong sinabi sa kanya.
"Eh hindi mo naman kailangang magpaganda pa para magustuhan ka ng lalake. Mas okay nga yung tatanggapin ka nya sa kung ano at sino ka diba? Hindi yung sapilitan mo pang babaguhin sarili mo para lang dun."
"Wow, so deep! I can't swim! Hahaha. Eh basta suportahan mo nalang ako chii, okay? Para din naman to sa ikaliligaya ko. Hindi ka ba masaya para saken?"
BINABASA MO ANG
Miss Taken Identity
Romance[ON-GOING] "If you love someone very much, let him go free. If he doesn't come back, he was not meant to be yours. But if he does return, love him as hard as you can for the rest of your life." Is love more important than friendship? Can it really...
