Chapter 25: Plans Everywhere

84 4 3
                                    

………

Rainne POV

"What?" Tanong ko sa kanya.

Umupo sya sa pwesto nya. "I said, why don't we team up? I suppose you don't have a partner yet." Nakangiti na naman sya.

"At bakit mo naman naisip na wala akong kapartner?! Duh!" Napatigil ako dahil may narinig akong mga nagsasalita sa likod.

"Dali na gurl ayain mo na si Chad na makapartner mo! Chance mo na to!"

"Eeehh nahihiya ako ano ba! Hays, teka bubwelo na nga e."

Mga halatang kinikilig tong mga babaeng to. Ang sarap pektusan!

Etong mga to yung mga klase ng babaeng kaladkarin. Makakita lang ng gwapo, akala mo mga hihimatayin na. Psh.

"So....?" Nakatingin sakin si richkid.

"Oo na nga sige na. Kung may makakapartner lang talaga ako na iba e. Tss. Pasalamat ka tinamad ako humanap." Sagot ko.

"Just admit it that you want to be with me too." Aba at nakangiti ang hayop!

Hindi ko na sya pinansin, nagfocus nalang ako sa professor. Umariba na naman tong si richkid, ang sarap upakan.

"So I expect everyone in the class to participate in this activity. You may now start discussing your plans with your chosen partners."

Start discussing with partners daw. Parang tinatamad naman ako makipagusap dito sa katabi ko. Lumingon ako sa kanya.

"So ano balak mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm. Let's meet later after school."

"Huh? Saan naman?" Ano na naman kaya naiisip neto?

"Let's go to my house."

"Haaa?!" Sa bahay nya daw?!

"Why? Did I say something wrong?"

"Eh bakit naman sa inyo pa? Sa mall nalang!" Sa bahay daw nya, ano akala nya saken, easy to get? Psh.

"Do you think we can discuss well there? There's too much noise."

Sabagay may point sya. Pero bakit kailangan sa kanila pa? Pfft. Teka, di rin pala pwede samin. "Sige na nga, sa inyo nalang."

"We'll go after class, we need to finish it faster."

Faster talaga? Nagmamadali? May taxi? Duh! Tinanguan ko nalang sya. Wala naman ako ibang maisasagot e. Sumandal naman na si richkid sa upuan nya tapos nagsalpak ng headset sa tenga.

"Bespie, ano na balak nyo?" Tanong ko kila emz.

"Hm, parang di naman na namin kailangan magplano. Kilala ko na to e hahaha." Sagot nya.

"Aba aba! Madami ka pang hindi alam tungkol saken no? Akala mo ha!" Pagbibida ni ian.

Etong dalawa na to talaga, sarap pag untugin. Ehdi sila na! Sabagay sila naman talaga. Haha.

Nag isip nalang ako kung pano ko sisimulan yung sa gagawin ko para kay richkid. Ano nga kaya maganda? Makilala ko kaya to ng talaga?

Di ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

Miss Taken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon