Chapter 28: Richkid goes emo

59 0 0
                                        

.........
Rainne POV

"Ay manong, sensya na ha? Ako pala si Rainne. Hehe pinakaba mo naman kasi ako, baka mamamatay tao ka." Ano ba tong pinagsasabi ko. Hahaha.

Bumaba si manong driver saka binuksan yung passenger's seat sa likod. "Okay lang po mam." Ngumiti sya. "Ayos nga po yung ginawa nyo eh, safe na safe."

Sumakay na kami pareho, gusto ko sana sa harap din umupo para mas feel ko ang kalsada, kaso mukhang di pwede. Base sa mga napapanuod ko sa tv, kapag sinusundo ng limousine, nasa likod talaga ang sakay. Hahaha.

"Eh manong, san po ba tayo pupunta?"

"Ang bilin po ni Sir Richard ay basta daw po ihatid ko kayo sa lugar na sinabe nya at wala na daw po akong ibang dapat banggitin sa inyo. Pasensya na ho mam."

"Ay ganon? Wala pala akong karapatang malaman kung san ako pupunta, nakakalungkot naman." Kunwari sumimangot ako, paawa effect ba. Kasi mukhang walang talab. Snob pa din. Psh.

Tinatry kong kausapin ng kausapin si manong kaso laging ngiti lang ang sagot nya saken. Ayaw nya yata ako kausap eh, di wag! Hmp. Para lang akong kumakausap ng hangin, kakairita.

Mga ilang minuto na rin ang nakakaraan, biglang may nilikuan si manong. Pagsilip ko sa signboard, "Hacienda Concepcion"

Teka... O______o

Diba Concepcion ang surname ni richkid? So ibig sabihin, sa kanila to?!? What the....

Habang binabaybay namin ang kahabaan ng entrance, hindi ko naiwasang maamaze sa mga nakikita ko. Waaaa ang ganda. Grabe, andaming ilaw tsaka mga statues.

Tapos puro pine trees pa, huh?! Pano nabubuhay to dito? Siguro mga fake. Hahaha. Adik lang.

Huminto na rin finally yung sasakyan. Bumaba si manong saka ako pinagbuksan ng pinto. Ako naman si feelingera, feel na feel ang pagiging princess at the moment ko. Ramdam ko ang hair ko abot hanggang sa kabilang kanto, tapos inalalayan pa ko, oh dba! Bongga talaga. Haha.

May sumalubong saken na isang babae na naka formal attire, naka longsleeves tapos skirt, may tie pa. May hawak hawak syang puting laminated na bond paper. Ano kaya nakasulat dun hehe.

"Hi Miss Rainne, I would like to welcome you, in behalf of all our staff, to Hacienda Concepcion. I will be accompanying you all-throughout your stay here mam. I'm Shane." Inabot nya ang right hand nya saken, gusto nyang makipag shake hands.

"Salamat te, ano bang meron?" Nahihiwagaan na talaga ako eh, masyadong pormal. Parang nakakakilabot. :D

"This way mam." Pinapauna nya akong maglakad. Infairness na naman naka red carpet. Siguro susundan ko lang to. Bongga!

Habang naglalakad, napansin kong papunta kami ulit sa labas. Aba, may swimming pool. Teka, magsuswimming ba? Sabe nya kakaen ah. Ano bang nangyayare? -_-

Lakad pa kami ng lakad.

Lalagpasan lang pala namin yung pool area hehe. Parang papalapit na kami sa isang restaurant. Nasabi ko nalang sa sarili ko na, Aahhh..kakaen nga. Hahaha.

Nakita ko na si richkid na nakaupo at nagcecellphone. Aba at busyng busy si boss. Napatingin sya saken.

"Hi chad! Anong meron?"

Tumingin sya saken mula ulo hanggang paa. "Well.." Umubo sya. "I just want someone to talk to, that's all."

Huh?!? "Someone to talk to pala, sana tinawagan mo nalang ako. Ikaw naman nag abala kapa!" Sabay upo ko sa upuan sa harap nya.

Miss Taken IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon